Chapter 2

54 1 0
                                    

Julie Anne's POV

Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!
Kusot sa mata, dilat mata, unat-unat sabay sabing "Magandang umaga Julie, bangon na para hindi mahuli sa unang araw sa klase." sabi ko sa aking sarili. 5 a.m. pa lamang ay gumigising na ako para maghanda ng almusalan namin ng aking Nanay. Lumabas na ako para mag-abang ng pandesal. Hindi kami mayaman pero masaya kaming dalawa ni Nanay Angie. Dalawa nalang kami, kasi sabi ni Nanay namatay daw si Tatay noong baby pa ako. Potpotpotpot (tunog ng nagtitinda ng pandesal).
"Ayy kabayo! Si kuya naman nanggugulat." sabi ko kay kuyang nagtitinda.
"Pasensya kana ha, kanina pa kasi kita tinatawag." paliwanag nya.
"Ayos lang po kuya, pasensya nadin po. Bente pesos pong pandesal." sabi ko sa kanya.
Pagkabili ko ay agad na akong pumasok para ihanda ang almusal namin. Masyado pang maaga para gisingin si Nanay, kaya napagpasyahan kong maligo muna.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis ng uniform. Sa St. Bernadette School o SBS ako nag-aaral 3rd year high school na ako. Oo alam kong pangmayaman yung school na yon. Pero salamat sa katalinuhan na aking namana sa mga magulang ko, yun ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral sa mamahaling paaralan. Scholar ako don kailangan manatili akong honor student para di mawala sakin ang scholar ko. Bigla akong bumalik sa ulirat ko ng tawagin ako ni Nanay. Gising na pala sya, kaya naman sabay na kaming nag-almusal. Pagkakain namin ay binilin ko na sa kanya ang mga gamot na iinumin nya bago ako pumasok.
"Nay aalis na po ako ha. Inumin mo po lahat ng gamot mo ha. Baka po gabihin ako ng uwi Nay, may duty po kasi ako sa shop ngayon. Aalis na po ako Nay ha. I love you." pagbibilin ko at kiniss sya sa pisngi ganon din naman ang ginawa nya at masigla akong lumakad palabas ng bahay namin.
"Oh Julie, papasok kana ba? Galingan mo ha." sabi ng kapitbahay naming si Aling Cora.
"Julie, pag may nang-aapi sayo sa eskwelahan mo sabihin mo sakin ha." sabi naman ni Kuya Caloy.
Ganyan talaga sila sakin taon-taon pag 1st day sa school.
Dumaan muna ako sa apartment na di naman kalayuan sa amin. Dadaanan ko lang ang mga kaibigan ko na sina Esang at Kyline. Mayayaman sila pero dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nila at wala silang makakausap kundi mga katulong nila kaya nag apartment nalang sila na malapit sa amin.
Nakita ko naman na kakalabas lang nila ng gate.
"Andyan kana pala Julie tara na." sabi ni Kyline
Patawid kami sa kabilang kalsada para mag-abang ng jeep. Pag ako kasabay nila pinipilit ko silang magjeep pag hindi pa kami late. Pero pag late na nililibre nila ako sa taxi.
"Julie run!" sigaw ni Esang. Pero huli na, naiwanan na nila ako sa pagtawid. Nang subukan kong tumawid ay may papadaan na kotse. Beeeeeeeppppppp! Busina nito. At napatakip nalang ako ng mata. Nang bumaba ang driver at kasama nitong babae ay agad  nila akong tinanong kung okay lang ako.
"Okay ka lang ba iha?" sabi ng babae.
"Okay lang po ako Ma'am." sagot ko. Oo, alam kong teacher sya kasi namumukaan ko sya, nakita ko na sya sa SBS pero di ko pa sya nagiging teacher.
"Julie, okay ka lang ba best?" tanong ni Kyline.
"Oo Ky, okay lang ako." sagot ko.
"Iha sigurado kabang okay ka lang, gusto mo dalin ka namin sa hospital?" tanong ni Sir.
"Ayos na ayos lang po ako Sir, malayo po ito sa bituka. Ahmm Sir Ma'am sa SBS po kayo nagtuturo?" tanong ko.
"Oo, at doon kadin nag-aaral? Yung uniform mo kasi." tanong ni Ma'am.
"Opo Ma'am. Ahmm sige po Ma'am at Sir maunan na po kami. Mag-aabang pa po kasi kami ng jeep, salamat po. Wag po kayong mag-alala ayos lang po ako." sabi ko ng may ngiti.
"Sumabay nalang kayo sa amin." sabi ni Ma'am. Pero tumanggi na ako at baka maissue pa ko. Sabihin sipsip.
At nandito na kami sa school.
"Hello SBS. Fight na naman para sa pangarap, at para kay Nanay. Go Julie. " sabi ko ng may sigla sa aking sarili.
just smile and good vibes lang self."





9-26-20❤️
Your always been my strength, my happiness and my life, but I never expect that your going to be my weakness too😢.
 

                                                                                                                        ♥️ ♥️ ♥️




"Use your smile to change the world; don't let the world change your smile."

T. Mhey❣️

My Momma-CherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon