'Sheeyyt! May tagos ako, huhuhunesss! Makuha nga yung jacket ko sa bag ko, naman ohh!'
Kinuha ko yung black na jacket ko na nasa bag ko, mabuti na lang at nagdala ako. Pumunta ako sa tindahan na nakita ko ngayon lang, bibili ako ng napkin. Sana naman babae ang makakaharap ko -,-
"Tao po! Tao po! May tao po ba dito? Kung wala baka may hayop." saad ko ng naka poker face, talaga naman.
"Walang hayop dito miss, gwapo meron." nabigla ako ng may lumitaw na hayop este gwapong nilalang sa harap ko, syeeeyt ang gwapo niya!! Sakristan ba toh? Wag naman sana -,-
"Miss! Hoy miss! Tulo na laway mo sa kagwapuhan ko." saad netoh at ngumisi, gwapo nga mayabang naman, nakaramdam naman ako ng inis. Okay na sana eh, nambabara lang siya -,-
"Kung pwede sana wag hayop ang humarap sa akin, pwedeng nanay mo na lang o kaya ate mo ang humarap sa akin, wag lang ikaw." saad ko at nag roll eyes sa kaniya. Napa'tsk nmn siya pagkasabi ko nun.
"Miss, wala akong ate. Only child lang ako kaya wag kang maarte, pangalawa wala ang mama ko dahil nasa palengke bumibili ng makakain. At pangatlo hindi ako hayop dahil ang gwapo ko nmn para maging hayop." saad netoh at aalis na sana ng sigawan ko ito.
"Bibili ako."
"Ano bang bibilihib mo miss, kanina ka pa"
"Ano... Uhm..."
"Ano nga? Bilisan mo dahil sayang ang oras"
"N-napkin..." napapikit na lang ako pagkasabi ko nun... 'talaga naman ohh!'
"Pfft..." rinig ko sa kaniya na parang tatawa. Hindi tatawa talaga siya!
"Wag kang tumawa, bibili lang ako!"
"Ilan ba?" saad netoh habang nagpipigil na kaniyang tawa, 'control selp baka mabalibag mo toh ngayon!'
"Tatlo lang." saad ko nmn habang unti'unting namumula. 'nakakainis naman kasi eh, sa gwapo na nga kaharap ko, napkin ba bibilhin ko. UGHH KAIRITA!!'
"Oh eto na, 18 lahat."
"Eto 20." abot ko sa kaniya ng bayad.
"Yan sukli mo." saad nito at tumalikod na...
Pero di pa ako nakakalayo, narinig ko na yung tawa niya sa bahay nila. Bigla na lang uminit dugo ko! ARGGHHHH NAKAKAINIS!!!
'talaga naman, malilintikan ka talaga sakin pagnagkataong magkita pa tayo!'
---
ARGGHH nakakainis talaga siya, umiinit dugo ko sa kaniya hmp! Kung mangkukulam lang ako, matagal ko ng nilagyan ng bulutong yun sa buong katawan niya, pasalamat na lang siya ay gwapi siya...
"Oh hija, bat nakabusangot yang maganda mong mukha?" tanong ni Aling Elda, pano naman magiging hindi eh nagiinit dugo ko sa lalaking yun!
"Eh kasi yung balik bayan nyong apo, nangiinis! Akala mo naman din kasi kung sino, basta naiinis po ako!" pagsusumbong ko sa kaniya na animoy inagawan ng kendi hmp
"Si Gio ba kamo hija? Kakarating niya lang kahapon, kaya nga ako pumunta ng palengke dahil gusto niya uli makasalo ang mga kababata niya, nasabihan ko na yung iba at ikaw na lang ang hindi. Kaya hija mamaya magpaganda ka ah, pumunta ka sa bahay at pagpasensyahan mo na iyong bata na yun, di ka lang ata nakilala nun. Pero mamaya magkakakilala na uli kayo." ngiti nito sa akin, at ginulo ang aking buhok. "Oh siya mauuna na ako hija ng makaluto na ako, mamayang hapunan ka pumunta ah. Magiingat ka" saad neto at nagsimula ng maglakad.
Hmm, Gio huh. I remember now, siraulo din nmn yun kahit nung mga bata pa kami. Naalala ko nga eh nung umakyat kami ng puno ng mangga, hinawakan niya na kamay ko nun para tulungang umakyat pero binatawan uli. Sobrang sakit pa naman nun, tawa lang siya ng tawa.
Siraulo pa rin yun, pero aminin ko din. Ang laki ng pinagbago niya, ang gwapo niya na, di tulad dati ang gusgusin niya HAHAHA.
Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin, haysst. Napapagod din ako, ang daming gawain sa school amp.
"Mom, andito na po ako! Deretso na po ako sa kwarto, magpapahinga lang po muna ako." sigaw ko dito at nagpatuloy na sa pag akyat papuntang kwarto.
Hinubad ko na ang sapatos at medyas at nilagay sa gilid, nilapag ko na din bag ko sa study table ko at pumasok na sa banyo.
Ang lagkit talaga, gusto ko din muna mag pahinga, maaga pa nmn din eh.
---
It's 4:49 pm pa lang nmn, makapag'pahinga na nga muna, I'm tired -.-
BINABASA MO ANG
Childhood to Lovers [On Going]
Romance🦋Facts about Gio: - kababata ni Inna, Patrick, at ni Christina - anak ng isang mayaman na pamilya - only child - hindi mahayok sa pera - let say gwapo na lang baka may tumahol 🦋Facts about Inna: - a lovable daughter - bunso sa kanila - her father...