Saranggola
Pinalipad. Iniwan. Umasa. Nabigo. Sana hindi mo na lang ako pinalipad nang hindi ko na lang sana nalasap ang alapaap. Sana hindi mo ako iniwan at pinangakuang babalikan. Sana hindi ako umasang babalik ka at tutuparin ang ipinangako mo noong umalis ka. Hindi sana ako nabigo at umiiyak ngayon.