Saglit
Sa saglit na sandali maaring magbago ang lahat. Pagkat sa isang saglit ang tama ay maaring mauwi sa mali at ang mali ay maging tama. Dahil ang bawat saglit ay takas na sandali na magpaparanas ng isang pagbabago. At ang bawat saglit ay permanenteng sandali na hindi na kayang ibalik ng mahabang panahon.