Quevylerio
Sa pinakasikat na university sa probinsya, kilala si Vuiz Cruz bilang isang school leader, volleyball player, at campus crush. Masculine, confident, at parang laging may spotlight kahit saan siya magpunta.
Samantalang si Roen Santos, isang education major, tahimik lang sa likod ng camera. Hindi siya sobrang masculine, hindi rin feminine-nasa gitna lang. Mahilig sa random shots, sa mga tahimik na sandali, at sa mga taong hindi niya inaakalang mapapansin niya... lalo na si Vuiz.
Pero paano kung ang mga simpleng tingin ay magtagal?
Paano kung ang selos ay biglang sumulpot sa gitna ng katahimikan?
At paano kung ang mga gabing lakad at kwentuhan ay nagsimulang maging "date" na pala?
Isang slow-burn BL story tungkol sa mga lihim na tingin, mga retratong may damdamin, at pag-ibig na unti-unting sumusulpot-tahimik, pero totoo.
Dahil minsan, ang pinakatapat na pagmamahal... hindi na kailangang sabihin. Makikita mo na lang.