Si Entrice Oblivion ay nanggaling sa isang mayaman na pamilya. Coltrane Oblivion naman ang pangalan ng kanyang kuya. Bago ang lahat at bago din mag dalawang taon, meron siyang nakaraang hinding hindi niya makakalimutan. Ito ay ang paghihiwalay nila ng boyfriend niya 2 years ago na si Red Preust Vasquez. Naghiwalay silang dalawa dahil sa rasong 'selos' lamang or 'misunderstanding'. But, yun ang akala ng lahat at ang akala niya. Dahil dito sinisisi niya ang kanyang sarili sa loob ng dalawang taong na nasa USA siya. Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Malalaman na niya kaya ngayong nagbalik na siya sa pilipinas? At ngayong nasa pilipinas na siya at naka move on, paano niya ito haharapin bilang kaibigan muli? Magiging matalik na kaibigan kaya muli sila? Or hindi na? Kakayanin niya kaya? Ano ang magiging kahihinatnan nito sa huli? Magiging masaya ba ang buhay niya... or magiging ganun pa rin kagaya ng lahat ng naramdaman niya pagkatapos ng dalawang taon?