[1] Jetlag

3 0 0
                                    


[1] Jetlag

---

Entrice's POV

Jetlag.

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Malamang, kagagaling ko lang USA 'no? Sinong hindi makakaroon ng jetlag paguwi mo dito diba? Actually, lahat naman. Kahit saan ka man galing, duh.

Eto ako ngayon, nasa kwarto ko na ulit. Nakakamiss rin pala 'no?

Argh, fuck this jetlag.

But, before that let me introduce myself first.

I'm Entrice Oblivion, 17 years old. A grade 12 student.

Yeah, grade 12. Isn't it amazing?

*knock* *knock*

“Pasok.”

“Entrice!”

I managed to look who's calling my precious name and it was kuya colt.

“Kuyaaaaa, I miss you!”

“I miss you too, lil sis.” niyakap ako ni kuya at nagusap lang kami ng
kung ano ano. Hanggang sa tinamad nako at inantok.

“O sige na, lil sis. Matulog ka na, okay? I know you're tired.” he said while giving me a forehead kiss and after that he left.

He's Coltrane Oblivion. Yeah, kuya ko. Malambing siya pero madalas nag aaway kami lalo na kapag may pizza sa hapag kainan nag uunahan kami niyan. Pero, we know naman yung table manner. Haha.
Anyway, makatulog na nga.

***

Nagising ako ng matiwasay at maayos, napatingin ako sa alarm clock ko and it's already 9am in the morning. I wonder kamusta na kaya yung mga kaibigan ko? Hindi pa pala alam nila na nakauwi nako. Maybe, i'll surprise them. Nakatingin lang ako sa kisame nagiisip, nakakatamad bumangon. hay. Di naman ako nagugutom, so i decided na mag stay na muna dito sa kwarto.

“Tawagan ko kaya si demi? or si alexa? si.. dart?” kamusta na kaya ang lokong 'yun? Pagkatapos nang nangyari two years ago hindi ko na siya masyadong nakausap nun. Hindi ko alam kung ako lang ba? Or iniiwasan niya ko two years ago? Argh, past is past entrice.

By the way, im bored. I decided na tawagan na lang si alexa, para na rin may makasama akong mag shopping ngayon.
Wala pang ilang minuto sinagot niya agad ito,

[“Hello?”] i miss her voice. i miss my bestfriend. also, i miss them.

[“Alexa.”]

[“Entrice?! Is that you?!”]

I chuckled, [“Hey, bitch. How are you?”]

[“Anong bitch bitch ka dyan? Aba, kelan ka ba uuwi ng pinas? Miss na kitang bruha ka!”]

[“Hmm? But, I'm already here in philippines alexa. I just arrived yesterday.”]

Napatalon naman ako't nilayo ang phone ko nang marinig ko siyang nagtitili sa kabilang linya, [“Ghad. Ba't di mo sinabi samin?! Edi sana nasundo ka namin kahapon!”]
Napailing na lang ako, [“I just.. don't want to disturb someone else”]

[“So, mall tayo?”]

I smiled, [“Actually, yun nga sadya ko sayo. Alexa, pwede bang wag mo munang sabihin sa iba na nakabalik nako? please?”]

[“Bakit?”]

Nagisip muna ako bago nakasagot, [“Basta, haha. So, i'll see you in a bit? Sunduin na lang kita. Bye!”]

Ang totoo niyan, ayoko pang makita talaga silang lahat. Okay naman kaming lahat bago ako umalis dito sa pinas except from him..
Gusto kong makasigurado na kapag nakita ko na siya, handa nako. Handa nako sa lahat, handa na akong ulit makita siya. Makipagkwentuhan, makipagusap. Pero, i think it's not easy as pie.

Nung umalis ako dito sa pinas, wala na akong balita sakanya. But, kuya told me he living with someone.. i don't know.
Basta, ayoko pa. Naka move on nako, pero hindi pa rin ako handa para makipaglit sakanya. Ang gulo diba?
Hays, naglagay lang ako ng pulbo at light lipstick and then bam!

Simple but gorgeous.

Pagkarating ko sa bahay nila bumaba na ako sa kotse, di na ako nag abala pang maghintay doon. Pumasok ako kaagad sa bahay nila at nakita ko siyang pababa pa lang ng hagdan.

“Alex!” agad agad ko siyang nilapitan at sinalubong ng yakap pagkababang pagkababa nito.

“Entrice, tara na? Im excited na pumuntang mall with you eh. Yipee!” Tumawa lang ako at hinila na siya palabas.

I swear, gagabihin kami nito. Haha.

***

“Whaaat?! He's living with someone?!” sigaw ni alexa sakin dahilan na napatingin ang ibang tao samin.

“Wag ka ngang maingay, we're in public place alex. Baka may makarinig satin dito.” Andito kami sa shakey's kumakain ng pizza. Anyway, akala ko alam nila pero hindi pala. Sabi ni alex, wala na rin daw silang nababalitaan kay preust simula ng mangyari yun..

Anyway, marami pa kaming napagusapan ni alex. Napagusapan namin yung tungkol sa pag aamin ni clint sakanya. Ghad, di ko akalaing magkakagusto si clint sakanya. I mean, maganda naman siya, matalino lahat na ata nasa sakanya na. Balita ko rin, may nagugustuhan na ring babae si dave. hahaha. Wow, binata na ang loko.

Nagtatawanan kami ng biglang nag ring ang cellphone ko, “Hello?”

[“Lil sis, asan ka?”]

Si kuya pala. Teka, asan daw ako? Sa pagkakaalam ko sakanya ako nagpaalam kanina na mag mamall ako ah? Bangag ba 'to or what? Joke.
Tinignan ako ni alex ng, sino-yan-look. I mouthed, 'kuya'. “Bangag ka ba, kuya? Nakalimutan mo na bang sa'yo ako nagpaalam kanina?”

[“Ay, oo nga pala. Tss, sorry na.”]

Moody as always, “Osige na, bye na. Ginugulo mo date namin ni alex eh.” Tumatawa kong sabi.

[“Oo na, ingat ka pauwi. okay?”]

I nodded as if he's here, “Opo. Di na ako bata, kuya. I can handle myself.”

[“Yeah,”]

Napa-pout na lang ako, matapos ibaba ni kuya yung tawag, “Nakakainis 'to si kuya! Ginagawa akong bata, like wtf?”

Tinawanan lang ako ni alex, habang busy-ng busy kumain ng inorder naming pizza. Malaki kasi to, ang goal namin maubos to ng walang kahit ni katiting matitira. Wala lang, trip lang namin.

“By the way, how's USA pala trice?”

“Maganda pa rin naman. Masaya at the same time marami akong naging kaibigan since dun ako nag grade 10 at 11.”

She nodded, “That's good.”

“Ikaw? Kamusta dito? And.. si clint?” I grinned after i said the word 'clint'.

She just pouted and rolled her eyes, “Hay nako, isa pa yun. Di ko nga alam kung anong gagawin ko dun. Ang kulit kulit kulit kulit niya.”

Natawa na lang ako sa naging reaction ni alex. Like, di pa ba siya nasanay? Magkakaibigan kami simula nung grade 7 syempre alam na namin ang ugali ng isa't isa. Di naman masama kung magkagusto si clint kay alex diba? I know maaaring masira ang friendship namin. But, hell no. May rules kami kung ma-fall man kami sa isa't isa wala pa ring titibag, kahit na isa samin ang maging karelasyon namin. Haha. tibay 'no?

Nang magsawa na kami ni alex maglibot dito sa mall napagpasyahan na rin naming umuwi. Since, gabi na rin at lagot nanaman ako kay kuya. Hinatid ko muna siya bago ako umuwi, haay. Nakakapagod tong araw na 'to.

Okay lang. Atleast, i enjoyed with alex sa mall. Namimiss ko na rin sila demi at yung iba. Maybe sa monday ko na lang sila kausapin? Monday naman ang umpisa ng enrollment ng Temporal's University eh.

Matapos kong magbihis humiga nako sa kama at nagpahinga or rather than natulog. Marami pa akong kailangang asikasuhin bukas. Sana talaga makausap ko na sila.

--

A/N: End of first chapter! Yey. Sana nagustuhan niyo. Hahahaha.

Fooled By PastWhere stories live. Discover now