Galing ako sa mayamang pamilya na kung saan lahat ng gusto nila eh nasusunod. Sa Japan ako nagtapos ng highschool at pagbalik ko dito sa PH, isang lalaki ang nagbago sa buhay ko. Hindi literal na nagbago tulad ng nababasa ng ilan sa mga stories, ang pagbabago na toh ay yung tipong sakanya ko pa lang naranasan, ung tipong hahanap hanapin. Sinanay niya ako, siguro once a week kami nagaganun. Hanggang sa bumalik ung ex niya at tinanong ko siya kung ano bang meron samen dahil nung panahon na un mahal ko na siya, ewan ko lang sakanya. Ayaw kong tanungin dahil pinaparamdam naman niya na mahal niya ako, pero nagkamali pala ako, panakip butas lang niya pala ako, ginamit niya ako sa maling paraan. Pagtapos nun ibang lalaki na ung mga kinakasama ko, gabi gabi nasa bar ako. Araw araw akong inom ng inom, hanggang sa napansin ng pamilya ko na hindi na ako masaya dito sa Pilipinas, napagdesisyunan nila na pabalikin na ako sa Japan, doon ako naghanap ng trabaho, at sa di inaasahan nagtagpo nanaman kami. " Don't worry, we're JUST FUBU, no attachments...." -Riley