Scroll. Scroll. Scroll.
Aysh nakakaurat na. Puro nalang ako fb, ig at twitter. Kanina pa kasi nadedelay ang flight ko pa-manila. Ayaw ba talaga akong pauwiin ng mundo arrgghh. Wala akong nagawa kaya nagscroll nalang ako ng scroll sa fb, at may nakita akong post.
Picture ng isang lalaki. Mag braces, gwapo na den kahit papaano, at mukhang nagmomodel. Josh Alcantara ang name niya, pero di ko pinansin un, sa sobrang inis ko kinuha ko nalang ang macbook ko at nagtingin tingin ng pictures. Habang tinitignan ko ang pictures ng mga kaibigan ko dun bigla akong nakaramdam ng saya dahil sa wakas after 4 years ay magkakasama na ulit kami. Di nagtagal ay nagsalita na ung sa airport, kaya niligpit ko na ren. After 4 hours...Finally.. Im home. Kinuha ko na ang phone ko at tumawag kay kuya, siya daw kasi ang susundo.
"Hello? Kuya?" sabi ko ng sinagot niya ang tawag.
"Baby girl asan ka na?" sagot naman ni kuya sa kabilang linya.
"Nandito ako sa poste, ung B2" sabi ko kay kuya para mas mapadali ang paghanap niya saken. Di nagtagal nakita na niya ako at nas nauna pa ang drama kesa sa pagkuha ng maleta ko.
"Omy ikaw ba yan Riley?!" gulat na tanong ni kuya.
"Hindi kuya, ako ung katulong ng pamilya mo." sarkastikong sabi ko kay kuya. Napatawa naman kaming dalawa. I guess hindi lang kaming dalawa dahil nagulat ako ng may nagsalita.
"Siya pala ung sinasabi mo brad." sabi nung pamilyar na lalaki. Omooo~ siya ung nakita ko kanina sa picture!?! Ang gwapo niyaaaaaa. Kyaaaah ♡♡
"Ah oo. Riley si Josh, kaibigan ko, model yan." pakilala no kuya.
"Tsss." sabi nung Josh. Baka wala siya sa mood.
"Yaan mo na nga yan Riley, maarte pa yan sa babae eh." natatawang sabi ni kuya "Akin na yang maleta mo, lagay ko na sa likod" sabi ni kuya sabay kuha sa maleta ko at nilagay sa likod ng Hilux niya. After 30 minutes ng pagdadrive ay nandito na kami sa bahay namin sa qc.
"Prinsesa kooooo!!" sigaw ni mommy na rinig na rinig ko galing dito sa labas. At bigla siyang lumitaw sa doble doors namen, kasunod niya si daddy at si ate mariz.
"Mommy naman isang linggo lang tayong di nagkita eh." sabi ko kay mommy. Nauna kasi silang umuwi at aasikasuhin nila ang kanilang trabaho dito Ph.
"Ang ganda ganda talaga ng prinsesa namen." sabi ni ate mariz. Maganda ren naman siya, pag nakatalikod kaming tatlo nila mommy kala mo magkakapatid kami hahaha si ate mariz halos lahat kay mommy nakuha ang kanyang kagandahan, si kuya miguel naman kay daddy at ako pinaghalo hehezz.
"Magtaka ka kung panget yang prinsesa naten, nako malamang kapatid yan ni josh kung ganon" sabi ni kuya na natatawa, kaya napatingin kami kay Josh at ang cute niyang mainis hahahaha nakanguso tas ang sama ng tingin kay kuya hahaha kaya pumasok nalang siya sa bahay. "Oy baka laruin mo nanaman ung ps3 ko ah." sabi ni kuya kaya sumunod na siya kay Josh dala ang aking mga maleta.
"Welcome home baby girl." sabi ni daddy saken sabay halik saken sa noo, napangiti naman ako.
"Mariz ipakita mo kay baby ung kwarto niyang punong puno ng kpop." matawa tawang sabi ni mommy na ikinagulat ko. Dahil ganon ung hinihiling kong kwarto nung nasa Japan kami. Actually 3 ang aking maleta at ung isa dun puro merch ng kpop hahaha adik is me. Kaya pumunta na kami sa kwarto ko. Malaki naman ang bahay namin dito. May second floor, high ceiling tas may aircon ung buong bahay. Hays.
Iniwan ako ni ate nung nakarating ako sa kwarto. Ang ganda pala. Hindi ganun kataas ang ceiling pero may chandelier tas ung isang side puro salamin ung isang corner naman puro posters ng bts, got 7, blackpink and many more, ung sa isang corner naman naka organize na instax tas may christmas light. Ang ganda, nakaka inlab hahaha. Nakita ko ren ung sapin ng kama ko picture siya ni Shin Won Ho sa 3 unan ko naman si Lee min ho, joo hyuk at ji soo. Hays so enough na hahahaha. Tumalon ako sa kama at kinuha ang aking cellphone. Nakita kong may messages galing sa mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Just Fubu.
Teen FictionGaling ako sa mayamang pamilya na kung saan lahat ng gusto nila eh nasusunod. Sa Japan ako nagtapos ng highschool at pagbalik ko dito sa PH, isang lalaki ang nagbago sa buhay ko. Hindi literal na nagbago tulad ng nababasa ng ilan sa mga stories, ang...