"You are the bravest woman I've ever met.." Nakangiting sabi ni Vann Chamberlain matapos siyang masuntok ni Yuki Yawara sa kaniyang mukha sa pangalawang pagkakataon. Habang pinupunasan niya ang namuong dugo sa kaniyang labi ay namumungay naman ang kaniyang mga mata na nakatitig sa namumulang mukha ng dalaga. Samantala, nagpupuyos naman sa galit si Yuki dahil sa pangalawang pagkakataon ay ninakawan na naman siya ng halik ni Vann. "Get out! Bago pa kita sipain palabas ng apartment ko!" sigaw ng dalaga habang nakaturo sa pintuan ng kaniyang apartment. Tumawa naman ang binata sa kaniyang narinig. "Heh. You shouldn't let me sleep here in the first place.." Nakangising sabi ni Vann bago kinuha ang kaniyang leather jacket at lumabas ng apartment ng dalaga. "Ugh! That asshole! Hindi na dapat ako naawa sa kaniya kagabi at hinayaan ko na lang sana siyang pagnakawan sa gilid ng daan! Grrr!" Sigaw ng dalaga habang nagpapadyak sa sahig dahil sa sobrang inis. "Sisiguraduhin kong hindi na ulit magtatagpo ang landas naming dalawa!" sabi pa ng dalaga. Subalit laking gulat niya nang makita niya ulit ang binata sa loob ng kanilang school. "Students, meet Mr. Vann Chamberlain. The eldest son of the owner of this school.." parang nabingi si Yuki matapos niyang marinig ang sinabi ng kanilang Principal na nakatayo noon sa harapan ng kanilang school auditorium. "T-The e-eldest s-son? T-The man that I p-punched twice is the owner of this school?!!" sigaw ni Yuki sa kaniyang utak habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. At para siyang itinulos sa kaniyang kinatatayuan nang makita niyang napatingin sa kaniya ang binata. "I-I'm doomed....!" naibulong ng dalaga nang makita niyang napangisi si Vann habang makahulugan itong nakatingin sa kaniya... Author: Ajima Rui Start: 2017 | End: 2018 Under Revision