"Ikaw na rin ang nagsabi na kahit ano'ng gawin ko, I will always miss something in life. And I don't want that 'something' to be you." Kulta na ang utak ni Lovely sa pag-iisip ng magandang love story na tatanggapin ng kaniyang editor. Lagi kasing reject ang mga gawa niya. Noon siya nakapulot ng isang bungkos ng mga lumang love letters na dated 1966 pa -- at binuhay niyon ang kaniyang pag-asa. Isa iyong pagkakataong bumagsak sa kaniyang paanan -- hahanapin niya ang nagpalitan ng mga lumang love letters at ang kuwento ng mga ito ang isusulat niya. Pero may kontrabida sa kuwento niya, si Conan, ang masungit na apo ni Arnulfo, ang matandang lalaking nakawala ng mga sulat. Kontrang-konta si Conan sa kaniyang isinasagawang "Oplan Happy Ending" dahil nararapat lang daw na ibaon na sa limot ang lahat. Hindi siya nagpadaig, pineste niya ito, pinersonal, hanggang sa mapilitang pumayag. Buo na sa utak ni Lovely ang kuwentong kaniyang isusulat -- the story of two old people who never stopped loving each other and true love reunited them. Pero habang tumatagal na kasama niya si Conan, unti-unti ay nagiging ito na ang kaniyang hero, at siya ang heroine. Ngunit paano magkakatotoo ang pantasya niyang love story kung hindi naniniwala si Conan sa marriage at sa forever?