Isang babae ang natagpuan nina Daniel at Alden, duguan ito, may dalawang tama ng bala sa braso at laking gulat nila ng matuklasang mayroon din itong tama ng baril sa ulo. Nakaligtas ito ngunit wala itong maalala, alam nilang nanganganib ang buhay nito kahit na wala pa rin silang clue sa pagkatao nito. Cassandra ang ipinangalan ni Daniel sa kanya, hindi naglaon ay nakaramdam si Daniel ng pag-ibig sa baabeng hindi niya naman kilala at gusto niya itong protektahan kahit pati ang buhay niya ay nanganganib na rin? Anong misteryo kaya ang nababalot sa pagkatao ng babaeng ito, paano na ang girlfriend ni Daniel na si Julia kung tuluyan ng mahulog ang kanyang loob sa babaeng ito. Sino kaya ang magiging mas matimbang? Paano kung isang kasinungalingan ang malantad, at makilala niya na ang tunay nitong katauhan? Abangan!!!
3 parts