Libra: Chapter 1

137 2 3
                                    

Libra: Chapter 1 

“Alden, maganda ba si Kathryn? Swerte ba ko na siya ang bago nilang ipapareha sa akin?” tanong ni Daniel sa nagmamanehong si Alden.

Si Alden ang kanang kamay ni Daniel, maliban sa pagiging right-hand ay ito rin ang matalik niyang kaibigan. Para na nga silang magkapatid pero magkaibang magkaiba sila sa lahat ng aspeto maliban sa pareho silang gwapo.

Si Alden ay nagmula lang sa simpleng pamilya pero napalaki naman ng tama. Ito ay mabait, responsable, may respeto sa babae, magalang sa magulang, at higit sa lahat ay tapat na kaibigan kay Daniel.

Habang si Daniel naman ay galing sa mayamang angkan at laging nasusunod ang mga luho. Pinili nito na pagsabayin ang pag-aaral at ang kagustuhang sumikat. Ito rin ay masyadong happy-go-lucky, wala ring pakialam sa mga babae, para sa kanya laro lang ang lahat, pero kahit ganoon ay isa pa rin siyang mabuting tao.

“Pare, kahit sino naman bagay sa iyo.” Sabi lang ni Alden na ngingiti-ngiti pa.

“Fvck! Kahit si Kiray? Gising-gising din Pare, nasobrahan ka yata sa tulog eh, o sadyang bulag ka lang?” Inis ang pagkasabi ni Daniel pero tumawa lang si Alden.

“I mean Pare, kahit sinong maganda kahit walang dating sa tao kapag nakatayo na sa tabi mo, sumisikat. Atsaka, bakit ba ang iniisip mo kung okay na kapareha si Kathryn? Ang isipin mo kung okay lang bas a girlfriend mong si Julia na ang bago mong ka-love team ay ang kinaiinisan niya.” Nangingiti na naman si Alden.

Lumingon siya ng bahagya kay Daniel, si Daniel naman ay biglang napaisip sa sinabi niya. Alam kasi nila na selosa ito, at parang masyadong obsessed kay Daniel.

Pagbalik ni Alden ng tingin sa daan ay saktong may papadaan na babae na parang nanghihina.

Napapreno siya ng malakas na nagpamura naman kay Daniel.

“SH#T!!! Ano ba pare? Bakit bigla kang pumreno?” Baling ni Daniel kay Alden.

Biglang lumaglag ang pawis nito at tinanggal ang seatbelt at bumababa sa sasakyan.

Agad naman siyang sinundan ni Daniel.

“Fvck?” Nagulat sila parehas sa nakita.

Isang babaeng nakaputing mini dress at duguan.

May dalawang tama ito ng baril sa braso.

At nagulat sila ng may tumutulo ring dugo mula sa ulo nito.

Nang mapagtanto nila na may tama rin ito ng bala sa ulo ay dali-dali itong binuhat ni Daniel at isinakay sa sasakyan.

Mabilis din na bumalik si Alden sa sasakyan at pinaharurot ito papunta sa pinakamalapit na Hospital.

_____________________________________________________________________________

“She’s safe now, pero hindi tayo nakakasiguro na agad siyang magigising. Ililipat na naming siya mas maayos na kwarto.” sabi ng lumabas na Doctor mula sa Operating room.

“Salamat Doc.” Kinamayan pa ni Alden ang Doctor.

Agad namang umalis ang doctor at umupo si alden sa tabi ni Daniel.

May bahid ng dugo ang suot nitong damit maging ang kamya nito na kanina pa niya tinititigan.

“Check her background. Mukhang balak talaga siyang patayin ng gumawa nun sa kanya.” Mahinang sabi ni Daniel na nakatingin pa rin sa kamay niya.

“Natawagan ko na si Mathews, siguro ngayon naghahanap na siya ng info kung may na report ba na nawawalang babae.” Naglabas si alden ng panyo at ibinigay sa kaibigan niya.

LIBRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon