Ako si Travis. Travis Cruz. 'Hunk' ako kung bansagan ng mga Barkada. 'Macho'ng Papa' naman sa mga Dalaga. 'Perfect face.' yun daw ako, Kaya marami'ng nagkakandarapa saken. Marami na rin ako'ng naging 'Girlfriend' pero lahat sila, Hindi nagtagal...Until 1 day, I met a girl. Girl whose name is Peach. Maganda sya, Balingkinitan. Bukod dun, marami pa sya'ng Maganda'ng katangian...I want her to be my girlfiend. Lagi ko syang dinidikitan sa trabaho at sa palagay ko, nahalata na nya ang panliligaw na binabalak ko. One day, she ask me, "ilan ang naging Girlfriend mo?" "huhmm...Marami na." sagot ko. "talaga? asan na sila?" tanong uli nya. "hindi ko na alam." sagot ko. "Marami ka na pala'ng failed relationships." sabi nya. "uhmm..." matipid ko'ng sagot sabay yuko ng ulo. "Hindi ko rin alam kung bat wala'ng nagtatagal sa akin." sabi ko. tumingin ako sa mukha nya habang nakatingin sya sa malayo. Nagulat ako sa sumunod na sinabi nya, "Kung gusto mo, mula ngayon, ituring mo na ko'ng girlfriend...at sasabihin ko kung bakit hindi sila nagtagal sayo." :) Napuno ako ng pagtataka sa aking isipan ngunit dahil masaya ako sa sinabi nya, Mula noon, itinuring ko na sya'ng Nobya.
8 parts