Property of akosiSupercute
all rights reserve
published 2014
The Start
Noon'g nakaraan'g sabado, absent si Ms. Alfond. Araw naman ng Linggo, Day off ko...at ngayon'g araw ng Lunes, may pasok na ako uli, Hindi na ako makapag antay na pumasok ng Opisina para makita si Ms. Alfond. Kamusta naman kaya ang pagbisita nya sa Doktor?
Pagkadating ko sa mesa ko, nakita ko na agad sya...Mukha naman sya'ng masigla. Maayos naman ang itsura nya. Kukulitin ko sya para malaman kung kumusta ang pag bisita nya sa Doktor.
"Ms. Alfond!" bati ko agad sa kanya atsaka ako lumapit para kamustahin sya..."Maam, Kamusta naman ang pagbisita ninyo sa Doktor?" tanong ko.
"At bakit ka naman nakiki usyoso?" pagtataray nya..."Si Maam naman oh...laging galit. Syempre naman Maam, Nag-aalala ko sayo." at hindi joke yun.
"Ayos lang naman ako Travis." sagot nya. Pero tinawag nya ba ko'ng Travis? Anung nakain nya? "Travis?" ulit ko sa kanya na patanong. "Uo, Travis ang pangalan mo diba? Baket, nagbago na ba?" ngek...ang pilosopo naman nya.
"Hayaan mo na nga...Ms. Alfond..." "yes?" "Apple." inabutan ko si Ms. Alfond ng isang pirasong Mansanas. "Para saan naman?" tanong nya...
"Diba Maam, may kasabihan nga, 1 apple a day, keeps the Doctor away." sagot ko. "Issh...para ka'ng Bata. Pero sige, tatanggapin ko na." sabi nya sabay abot ng mansanas.
Break
"Travis..." tawag saken ni Ms. Alfond. "Maam?" sagot ko. "Pwede ba tayo'ng sabay na kumain?" "poh?" "Yung tayo'ng dalawa lang..."
Na-surpresa ko sa mga sinabi ni Maam,at the same time, Nagtataka rin, Pero nagpaalam na lang din ako sa mga Kaibigan ko na hindi ko sila makakasabay ngayon sa Pagkain.
Travis: [ Word of the day, 'Surprise.' surprise ako kasi ngayon'g araw, hindi ko alam kung anung meron, pero niyaya ako ni Ms. Alfond ngayon na sabay kami kumain...
She even ask kung may girlfriend na daw ba ko...Hindi ko man alam kung bakit, matutuwa pa rin ako na tinanong nya yun. ]
BINABASA MO ANG
My 15 day Boyfriend
Short StoryAko si Travis. Travis Cruz. 'Hunk' ako kung bansagan ng mga Barkada. 'Macho'ng Papa' naman sa mga Dalaga. 'Perfect face.' yun daw ako, Kaya marami'ng nagkakandarapa saken. Marami na rin ako'ng naging 'Girlfriend' pero lahat sila, Hindi nagtagal...Un...