Property of akosiSupercute
all rights reserve
published 2014
Sabado. Nasa ospital ako. Tuwing Sabado, Nasa ospital ako.
Ang buhay ko, sadya'ng napaka dali. Hindi katulad sa iba, Normal sila. Pero ako, Hindi. May sakit ako. Sakit na lubha'ng nakapag pabago ng takbo ng buhay ko...
Nuon, Masayahin ako'ng tao. Kaybigan ko ang lahat kahit na mas mataas pa ang posisyon ko sa trabaho.
Pero mula ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking kalusugan at nalaman ko'ng masama ang aking kalagayan, Bigla na lang ako'ng nawalan ng pag asa.
Tinaningan na agad ako ng Doktor. Tatlo'ng buwan na lang daw. Napakabilis di ba? Nagalit ako sa Doktor. Nagalit ako sa Sakit ko. Nagalit ako sa Dios. Nagalit ako sa Mundo.
'Aanhin ko pa ang tatlo'ng buwan?' lagi ko'ng tinatanong sa sarili ko.
Mula nuon, naging miserable na'ko...
Una ko'ng ginawa, Nakipaghiwalay ako sa Napakabuti at Pinakamatagal ko'ng Nobyo. Sya ang Una at Kaisa isa ko'ng Nobyo.
Ayoko'ng magdusa sya kapag nalaman nya'ng may sakit ako at di kalaunan, mawawala din ako sa kanya.
Ayoko sya'ng saktan sa ganun'g paraan. Masakit man na nakikita ko sya'ng may kapiling ng Iba, Nakapag desisyon na ko. Ipinapaubaya ko na sya.
Sumunod ko'ng ginawa, Nilayuan ko ang mga Kaybigan ko. Ayoko ng malaman pa nila kung ganu na ko kalala. Ayoko ng palakasin pa nila ang loob ko. Ayoko na.
Pagod na ko'ng Umasa. Pagod na ko'ng Magbakasakali. Gusto ko'ng harapin ito mag isa...Pagdusahan ito mag isa...at Tapusin ito mag isa.
Walang alam ang pamilya ko sa pinagdaraanan ko ngayon. Wala ng ibang nakaka alam ng buong katotohanan tungkol sa sakit ko bukod sa akin.
Peach: [ "Labing lima'ng araw hija. Labing lima'ng araw na lang ang itatagal mo." ang sabi saken ng Matanda'ng lalake'ng Doktor na pagkatapos sabihin saken ang masama'ng balita ay niyakap ako ng mahigpit. ]
BINABASA MO ANG
My 15 day Boyfriend
Short StoryAko si Travis. Travis Cruz. 'Hunk' ako kung bansagan ng mga Barkada. 'Macho'ng Papa' naman sa mga Dalaga. 'Perfect face.' yun daw ako, Kaya marami'ng nagkakandarapa saken. Marami na rin ako'ng naging 'Girlfriend' pero lahat sila, Hindi nagtagal...Un...