Karangyaan at payapang pamumuhay ang tanging hinihiling ni Khiara sa buong buhay niya. She wanted to be in a hailed, refined and wealthy family just like how her cousin, Krystal, stepped in a lucky foot. Pangarap niyang maging larawan ng kinahuhumalingan niyang pinsan dahil maliban sa taglay na nito ang mga kahilingan niya sa buhay, naipangako pa itong ikakasal kay Jeisson Aurel Alameda, ang lalaking matagal na niyang nagugustuhan. She was once contented on wishing as her cousin's picture. Ngunit nang mangyaring napakiusapan siya nitong maging pansamantalang kapalit, doon niya nahanap ang kasagutan sa kanyang hiling. Pumayag siya at naranasan ang pansamantalang karangyaan, kapayapaan at kaligayahan lalo na sa piling ni Jeisson. Ngunit hanggang saan nga ba siya ihahatid ng mga pangarap at hiling niya sa buhay? Hanggang kailan niya hihilingin ang larawang alam niyang hindi kanya at pinapangarap lamang niyang makuha?