Larawan 1

230 7 0
                                    


Kabanata 1
PUHUNAN

"MAG-INGAT ka sa school, Jed, ha? Huwag kang makulit. Sumunod ka palagi kay teacher. At huwag kang mang-aaway kung ayaw mong mapalo ng Mama mo, maliwanag ba?"

"Okey." tanging sagot ni Jed sa kanya saka ito tumakbo para makipaghabulan sa mga kalarong lalaki.

Bumuntong-hininga siya at binalingan ang guro ni Jed na noo'y malumanay na nakangiti sa kanya. Ngumiti siya.

"Kayo na po ang bahala sa pamangkin ko, Ma'am. Tawagan niyo po agad ako kapag napapaaway na naman siya. Hindi ko po kasi siya madadalaw kapag tanghali dito kasi medyo malayo ang school namin." aniya.

Tumango lamang si Miss Gretchen, ang guro ng mga Special Education sa elementary school na pinapasukan ni Jed. Ilang taon ng naging guro ni Jed si Miss Gretchen at araw-araw na rin niyang nakakasalimuha ito kaya magkakilala na sila. Si Miss Gretchen ang kaagapay niyang magbantay kay Jed kapag nasa school siya't maiiwan niya ang pamangkin sa eskwela.

"Ayos lang, Ara. Ako na ang bahala. Huwag kang mag-alala."

"Salamat po, Ma'am. Sabihin niyo na lang din po sa akin kung may mga requirements na kailangan kong bilhin para sa kanya. Hindi ko man po mabibili agad pero susubukan ko pong makaipon."

"Walang problema. Alam ko 'yan. Hindi ka na iba sa akin."

Napangiti siya. Miss Gretchen knows about her situation, Jed's condition and Jed's family irresponsibility. Laking pasalamat niyang patuloy siyang iniintindi nito hanggang ngayon. Noong una ay ayaw na ayaw pa niyang ilagay sa Special Education class si Jed dahil hindi naman ito abnormal. Pero naisip niyang kapag naging regular student ito, baka mas lalo lang mapapaaway at mapapabayaan.

Luckily, Miss Gretchen convinced her and promised to take good care of Jed. Mahusay itong magturo at mag-alaga ng mga bata. Ito ang naging asahan niya kay Jed kahit ngayong nasa Senior High na siya't naging abala na rin sa eskwela.

"Salamat po, Ma'am! Aalis na po ako! Late na talaga ako. Ang hirap gisingin ni Jed kanina. Babye po!"

"Pabili muna ako niyang cupcakes at cookies mo. Nagutom ako bigla habang tinitingnan 'yan."

"Kumuha lang po kayo, Ma'am! Libre ko na po!" aniya sabay tanggal ng takip sa dalawang tupperware.

"Hindi na, babayaran ko na nang makapag-ipon ka."

"Ayos lang, Ma'am! Sigurado naman po akong hindi isang daan ang kukunin niyo kaya ayos lang po!"

Tinawanan lamang siya ng guro. Kumuha ito ng ibebenta niyang cupcakes at cookies sa canteen at inabutan siya ng pera.

"Sige na, huwag ng libre. Keep the change na rin. Masyadong masarap ang mga cookies mo kaya bonus ko na 'yan sa'yo."

"Huwag na po, Ma'am! Ayos lang po!"

"Hindi na, Ara. Sige na, iuwi mo na 'yan. Malelate ka na, oh. Mapapagalitan ka na naman ng Math teacher mo, sige ka."

"Oo nga pala!" aligaga siyang naghanap ng ipangsukli roon pero napagtanto niyang wala pa pala siyang kita.

"Mamaya mo na isauli ang sukli kung ayaw mo ng keep the change. Sige na, umalis ka na."

"Okay po, Ma'am! Salamat po! Babye, Ma'am!"

Kumaway siya kay Miss Gretchen habang mabilis na tumakbo papalayo. Hindi na niya alintana ang pawis at pagod habang lakad-takbong tinungo ang school canteen pagkapasok niya sa school. She was catching her breath while handling the two tupperware to the lady in the canteen.

"Good morning, Ma'am! Singkwenta'y singko po ang cupcakes at singkwenta sirado ang black cookies. Pasensya na po kung natagalan!"

"Nako! Hindi na pala mainit 'yan kung ganoon? At saka, baka kagaya lang iyan noong nakaraan na kaunti lang ang bumibili dahil nag-iba ang lasa? Baka itong canteen ang malugi mo, ah! Maliit pa naman ang persyento namin sa'yo kapag kaunti lang ang nabenta!"

Larawang Hiling (Alameda Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon