Nang mawala ang Daddy ni Hailey ay sumunod naman ang pag-alis ng kababata at mahal niyang si Lucio. Wala na siyang iba pang pamilya kundi ang dalawa. She felt alone. Or so she thought. Sa araw na akala niya ay umpisa na ng kanyang pag-iisa ay dumating si Doctor Jaxon Harris---isa sa mga Doctor ng Daddy niya bago ito namatay. Ayon sa guwapong Doctor, ibinilin raw siya ng Daddy niya rito para bantayan pansamantala. Ikinagulat ni Hailey ang nalaman. Bakit naman siya ipagkakatiwala ng Daddy niya sa isang playboy? Pero mas ikinagulat niya ang naging pakiramdam niya sa bawat araw na nakasama niya ang lalaki. In just a few weeks, nakita niya ang sariling nahuhulog na sa charm nito. At mukhang ganoon rin ang lalaki. Kaya lang, hindi pala ang "tagapag-bantay" ang lalaking inaakala niya.