Si Ara ay may kakambal, at yun si Mara. Si Mara ang paborito ng pamilya, habang si Ara ay parang anino nya. Si Mara sobrang bait, samantalang si Ara walang pakialam sa mundo. Si Mara gustong-gusto ng lahat, habang si Ara nasa sulok nag-iisa. Si Mara na maunawain, pero si Ara hindi. Si Mara nasa Pilipinas, habang si Ara nasa ibang bansa dahil yun ang gusto nya. Si Mara walang maipipintas sa ugali, samantalang si Ara parang kalaban lagi ang mundo. Si Mara masyadong spoiled ng magulang, habang si Ara gustong kumita ng pera habang nag aaral. Mahal na mahal sila ng kanilang magulang dahil lahat ng kapritso nila, ay agad-agad nitong binibigay. Pero dahil sa isang pangyayari, magigimbal ang itinatagong pagkatao ni Ara na kailangan niyang gawin, alang-alang sa kakambal niya. "Isang babae ang natagpuang patay sa gilid ng sapa sa Barangay Sto. Niño. Ang biktima ay hubo't hubad na hinihinalang ginahasa muna bago sinaksak ng labing-siyam sa iba't ibang bahagi ng katawan kasama na ang maseselang parte nito habang nakagapos ang mga paa, kamay at leeg. Wala pa ring pagkakakilanlan ang biktima dahil basag na basag ang mukha nito. Hinihinalang isang linggo na itong patay dahil sa masangsang na amoy." ---------------------------------------- Dark Vengeance (Revenge Series #2) @ALL RIGHTS RESERVED 2020. -chanlyngalupo