Ganoon na lamang ang takot ni Rommel nang mabalitaan na nagbalik na si Jonathan, ang kauna - unahang lalaking minahal ni Anne, ang babaeng kanyang pinakamamahal. Alam ni Rommel na hindi siya mapapansin ni at mamahalin ni Anne kung hindi pa umalis ng kanilang bayan si Jonahan. Sa pagbabalik ni Jonathan ay may posibilidad na bawiin nito ang dating puwesto sa puso ni Anne. Pero wala naman pala siyang dapat ikatakot dahil tinaggap ni Anne ang kanyang marriage proposal bago siya umalis patungo sa Amerika. Ngunit nagkamali ng akala si Rommel dahil nalaman niyang ipinagpalit siya ni Anne habang nasa malayo siya. Sa sobrang sakit na naramdaman ay hindi siya nakinig sa paliwanag ni anna at nakipagkalas. But then he realized he really could not live without her. Nang mangailangan ng tulong si Anne ay naroon siya para tulungan ito. Nilunok niya ang kanyang pride at piniling bumalik sa buhay ng dating girlfriend bilang isang kaibigan- huwag lang tuluyang mawala ito sa buhay niya ...