Galit ang nakikita niya sa kulay banyagang mga mata ni Dustan Calderon habang nakatitig sa kanya ng matiim. Ang anak ng Duke at personal niyang pinagsisilbihan. Simula pa man sa una nilang pagkikita ay galit at tila may pagkasuklam na kung tratuhin siya nito. Kahit paulit-ulit na baligtarin ang mundo, wala siyang maapuhap ni maalalang pagkakamali na nagawa niya sa binata... Bagong salta siya sa napakarangyang tahanan ng mga Calderon sa bansang Britanya. Kung hindi dahil sa tulong ng kanyang tiya Azula, imposible na makatuntong siya sa bansang iyon sa uri ng estado niya sa buhay. Binigyan siya nito ng oportunidad sa hindi inaasahang pagkakataon at sinunggaban naman niya kaagad sa kadahilanang maisakatuparan na niya ang paghahanap sa taong nag-iwan ng malaking sugat at pitak sa kanyang puso. Si Elross... Matagpuan pa kaya niya itong muli? At kung pahihintulutan ng pagkakataon na mahanap niya uli ito, ang dating Elross pa rin ba ang makakaharap niya? O iba na ang pagkatao nito? Subaybayan ang makulay na kwento ni Mila..