"Aba! Elisio, may batang nakahandusay dine! pumarine ka! Dalian mo! "
Natatarantang sigaw ni Lucia sa asawa.Nasa dalampasigan sila ng asawa upang sumagap ng sariwang hangin sa mga oras na iyon.
Ilang hakbang mula doon ay ang munti nilang tahanan na yari sa kahoy.
" Ay, siyanga, Lucia. Mukhang dayuhan naman itong bata, malamang isa sa mga turista sa lugar natin ang mga magulang nito. Tulungan mo nga ako at kakargahin ko siya pauwi sa atin. Pagkatapos, pupunta ako kina kapitan Simo para ibalita ang tungkol sa bata. Baka pinaghahanap na siya ng mga magulang niya ngayon. " may bahid ng awa at pag aalala sa mukha ng matandang lalaki.
"Sino po iyan, Inay, Itay?"
Nagmamadaling bumaba ng bahay si Mila at puno ng pagtataka na sinalubong ang mga magulang na may dalang bata.
Animo napakahimbing ng tulog nito sa mga bisig ng kanyang ama."Natagpuan namin siya sa may dalampasigan, anak. Walang malay-tao." bulalas ng kanyang Inay Lucia.
Pinagmasdang mabuti ni Mila ang walang malay-tao na bata. Tantiya niya ay kaedad lamang niya ito o mas matanda sa kanya ng ilang buwan.
Mukhang dayuhan ang anyo nito. Mamula-mula ang napakapino't napakakinis nitong kutis, matangos ang maliit nitong ilong na hindi tipikal sa bayan nila, natural na mamula-mula ang manipis nitong labi, at ang kapal ng kilay nito na bumagay naman sa makakapal nitong pilik-mata. Mukhang anak mayaman ang batang natagpuan ng kanyang mga magulang sa dalampasigan."Sa tingin niyo, Inay, magigising pa kaya siya?" usisa niya sa sariling Ina matapos itong ihiga ng kanyang Itay sa maliit na papag.
"Oo, anak. Malamang nakatulog lamang siya dala ng labis na pagod."
Positibong saad ng kanyang Ina. Bagama't banaag sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa batang estranghero.Tumayo mula sa gilid ng papag ang kanyang Itay at tinungo ang nakabukas na pintuan.
"Babalik ako kaagad, isarado ninyong mabuti ang pintuan, at pupuntahan ko saglit si kapitan para ipaalam ang tungkol sa batang iyan."
"Sige, Elisio. Mag-iingat ka ha." pahabol na wika ni Lucia.
"Balik ka po agad, Itay." malambing na saad ni Mila at isinarado na ang pintuan pagkatapos makababa ng bahay ang ama.
"Inay, tingnan nyo po oh."
Manghang bulalas ni Mila, habang may hawak sa kaliwang kamay na animo kwentas na may palawit na singsing."Mukhang sa kanya po galing ito, Inay. Nalaglag po yata sa bulsa ng shorts niya."
"Aba, mukhang mamahaling kwentas ito anak, tapos may palawit pa na singsing na ginto." sinipat ni Lucia ng mabuti ang hawak ni Mila.
"Saglit, Inay. May nakaukit po sa ilalim ng singsing. Tingnan niyo po."
Tiningnan mabuti naman ito ni Lucia at napasinghap siya sa nakasaad doon.
"Elross... Elross yung nakaukit na salita, anak." saka ibinaling ang namamanghang tingin sa tulog na bata.
"Baka Elross po pangalan niya, Inay. Siya si Elross." bulalas ni Mila.
"Posible, anak. Malamang pangalan niya iyang nakaukit sa singsing."
Natahimik si Mila habang tinitigan mabuti ang bata.
Ang ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa itsura niya. Pangmayaman!
Bulalas ng isip niya.
Paano kung mayaman ka nga, Elross. Ibig sabihin noon, babayaran mo sila Inay at Itay nang sobra dahil sila ang nakakita sa iyo mula sa dalampasigan. Syempre, wala ng libre ngayon!Halos kalahating oras na ng bumalik sa bahay ang kanyang Itay. Naibalita na nito sa kapitan ang tungkol sa natagpuang bata. Saad pa ng kanyang ama na kung sakali man na may maghanap sa bata ay ituturo kaagad nito ang kanilang bahay.
"Maghintay lamang tayo at mahahanap din siya ng mga magulang niya."
Saad pa ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Royal Captive #01: DUSTAN CALDERON
RomanceGalit ang nakikita niya sa kulay banyagang mga mata ni Dustan Calderon habang nakatitig sa kanya ng matiim. Ang anak ng Duke at personal niyang pinagsisilbihan. Simula pa man sa una nilang pagkikita ay galit at tila may pagkasuklam na kung tratuhin...