Was it love or obsession? Habang naniniwala ang mga taong para sa matataas na bagay si Bree, ang tanging paniniwala naman niya'y basta't kapiling niya si Sylvanno Ignacio Lemuel, higit pa sa sapat ang buhay niya. Pero bakit ibinigay na ni Bree ang lahat at kahit ilang taon na silang magkasintahan, hindi pa rin siya mapakasalan ni Sylvan? Karma na ba iyon sa ginawa ni Bree para lang makuha ito? Iyon ba ang parusa kapag dinaya mo ang tadhana? Dahil kahit makamtam mo ang pag-ibig na pinapangarap, kalaban mo naman ang iyong konsensya?