Constantia, Amora. 1995.
ILANG segundo akong hindi nakaimik. My heart hurts hearing Tia's voice after many years.
"Ano, Bree?" Mahinahon ang kanyang tinig, ngunit nag-umalpas pa rin ang pait doon. "Akala mo'y hindi ko malalaman? Na matatago niyo habambuhay ni Alvaro ang ginawa niyo sa 'min ni Sylvan?"
I swallowed the lump in my throat. Kaibigan talaga ang turing ko kay Tia at hindi ko naman ginusto ng buo ang mga nagawa ko. Mas humigpit ang hawak ko sa telepono.
"T-Tia... mag-usap tayo ng mas maayos...." nasabi ko.
"Maayos? Wala kang karapatang makausap pa 'ko ng maayos! Alam mo bang ilang taon kong pasan ang kasalanang hindi naman pala ako ang may gawa? Tiniis ko ang lahat ng masasakit na salita sa 'kin ng mga kamag-anak ko sa nangyari. Tinanggap kong lahat dahil sa paniniwala ko ay kasalanan kong iniwan ko sa altar si Sylvan! Pero, hindi! All along, you and Alvaro planned every damn thing!"
"Tia, I'm so sorry..." Nangilid ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa pinto dahil baka biglang dumating si Shy o ang ibang emplayado ng rancho.
"Ang taas-taas pa man din ng tingin ko sa 'yo, Bree. Hindi ko akalaing magagawa niyo 'to ni Alvaro sa 'kin! Sa amin ni Sylvan!"
Napatakip ako ng bibig upang hindi makawala ang paghikbi ko. "Tatiana, p-patawarin mo 'ko... Ayokong tulungan si Alvaro sa plano niya pero, pero may hawak siya laban sa 'kin. He blackmailed me and, and... and—"
Hindi ko madugtungan ang mga salita ko. Because who am I fooling here? Sa bandang huli ng plano ay kusa rin akong bumigay sa mga gustong mangyari ni Alvaro.
Dahil mahal ko si Sylvan! Dahil iyon na lang ang huling tsansa na makuha ko siya at nangyari nga!
"Kahit ano pang sabihin mo, Bree, hindi iyon mahuhugasan ang kasalanan niyo ni Alvaro. Dapat kayo na lang ang nagsama. Parehas kayong dalawa!"
"Tia—"
"Naging masaya ka ba, Bree? Naging matagumpay ba ang buhay mo pagkatapos mong makuha si Sylvan at lokohin ako? Kaibigan mo ako, Bree! Hindi man ganoon katagal katulad sa inyo ni Shy ay naging tunay ako sa 'yo! I even told you what Alvaro was doing to me then. But all along, it was part of your plans!"
Tuluyan na 'kong napaiyak nang hindi lang galit, pero may kasama nang sakit sa tinig ni Tia. Tila espada ang bawat salita niyang tumatarak ng diretso dibdib ko.
"Kung sinabi mong gusto mo rin si Sylvan, binigyan kita ng tsansang makalaban ng patas! Kahit nobyo ko na noon si Sylvan, kung kinausap mo lang ako ng maayos na mahal mo rin siya, si Sylvan sana ang pinapili natin ng maayos sa pagitan nating dalawa!"
"Hindi ako ang pipiliin niya!"
"Kaya ipinagkanulo mo na lang ako?! Kaya pinaniwala mo na lang si Sylvan na pinagsabay ko sila ni Alvaro? Ganoon ba dapat, Bree, kung walang pagkakataong makuha ang gusto? Manlilinlang? Ganoon-ganoon lang sa 'yo magtapon ng tiwala at pagkakaibigan?!"
My shoulders started to shake from crying.
"Sumaya ka ba, Bree? Sumaya ka ba sa lahat ng ginawa mo?"
Hindi. Hindi, Tatiana. The past kept haunting me. I couldn't enjoy Sylvan's love for me!
I heard Tia exhaled sharply. "Ipagdasal mo, Bree... Ipagdasal mong hindi ako bumaba sa lebel mo," mariing wika niya. "Ipagdasal mong hindi ako tutulad sa 'yong madumi lumaban. Hilingin mo sa Diyos—kung may diyos ka man, na huwag kong ibalik sa 'yo ang ginawa mo sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Kiss Me Goodbye (Lemuel Bros. #1)
RomanceWas it love or obsession? Habang naniniwala ang mga taong para sa matataas na bagay si Bree, ang tanging paniniwala naman niya'y basta't kapiling niya si Sylvanno Ignacio Lemuel, higit pa sa sapat ang buhay niya. Pero bakit ibinigay na ni Bree ang...