Ang araw kung kailan naging masagana ang buhay ng mga taong pumatay kay Fernando ay ang araw kung kailan bumalik si Florence Villa Fuente, ang anak ni Fernando Villa Fuente, para maghiganti. Nabulag na siya ng galit at poot ng dahil sa nangyari sa kanilang mag ama sa kamay ng mga taong iyon noon. Para maisakatuparan niya ang kanyang plano ay nagpalit siya ng kasarian. At ngayon ay isa na siyang ganap na babae na kinikilala bilang ng lahat dahil sa taglay niyang ganda. Siya na ngayon si Aurora Dominica, ang babaeng magdadala ng malamig na delubyo sa mga taong pumatay sa kanyang ama.