"Hinding-hindi ako mahuhulog sa'yo, Sean Tristan Fuentavella. Itaga mo 'yan sa bato!" Si Keisha Cyanea Sedantes ay isang ulilang dalaga. Wala na siyang magulang at tanging ang kanyang sarili na lamang ang nagpapaaral sa kanya. Nang tumuntong siya ng 4th year college, napilitan siyang humanap ng trabaho na mas malaki ang kita kumpara sa kanyang trabaho ngayon, na magbantay sa karinderya ng kanyang tiyahin na halos katulong na ang turing sa kanya. Magiging maganda kaya ang takbo ng buhay niya sa bagong trabaho na pinasukan niya? Paano kung ang kanyang amo ay isang bading pala? Makakaya niya bang tapusin ang limang taong kontrata? Nakasulat sa kontrata na iyon ang pinaka-unang rule na ipinagbabawal ng boss niya, ang "WARNING: BAWAL MA-FALL!" Sean Tristan Fuentavella