May babaeng nag ngangalang Glaibell ay meron syang boyfriend at taon na din ang tinagal ng relasyon nila ng lalakeng yun kahit na sa RPW lang sila nagka kilala at yun ay walang iba kundi si Peter(hindi nito tunay na pangalan). Dahil sa tagal ng relasyon nilang dalawa ay mas lalo nya itong minahal kahit na sa RPW lang sila nagka kilala at nagka developan ng feelings. Kahit na nahihiwagaan sya sa pagkatao nito dahil pakiramdam nya ay marami itong tinatagong sikreto sa kanya pero mas minabuti nya pa din na mahalin ito. Dumating kaya ang araw na magkita sila sa personal ng lalakeng kanyang minahal sa RPW? At malaman nya kaya yung tinatagong sikreto nito?