Ang dalawang magkapatid ngunit magkaaway sa lahat ng bagay,pilit na nilalakasan ng dalaga ang kanyang loob na kahit hindi na niya matiis ang pang bubully at pang iinsulto sa kanya ng nakakatanda niyang kapatid ay pilit niya parin itong iniintindi. Mula bata hanggang sa dumalaga na sila ay wala paring pagbabago lumaki parin silang parang aso at pusa. Hanggang sa umibig narin sila ngunit tulad ng dati nilang kinagawian ang kapatid niyang laging umaagaw sa mga bagay na gustuhin niya ay muling aagawin ang lalaking iniibig niya. Napuno ng galit ang dalagita na parang sumasabog na bulkan ang paghihimagsik ng kanyang puso sa tuwing nakikita niya ang karelasyon niyang inagaw ng kanyang kapatid,wala ng ibang naramdaman ng dalaga kundi ang galit sa mundo,maging sa kanyang sariling pamilya.