Sabi nila, bawat tao daw ay mayroong THE ONE. Ang the ONE na siyang para sayo at sayo lamang. Maaaring sa ngayon ay nasa ibang tao ang atensyon niya o 'di kaya' y may minamahal siyang iba. Pero, darating din daw ang panahon na makikilala mo siya. Yung tipong titigil ang mundo mo at kakalma ka sa unang beses na makikita mo siya. Ganun ko siya unang nakita. Nakilala ng lubusan, naging kaibigan, at sa huli, nagustuhan. Pero, hindi naman dun natatapos ang pagkagusto sa isang tao. Maraming punto sa bawat kabanata ng storya mo at niya, na talaga namang mapapatanong ka. Bakit siya? Bakit ikaw?