KABANATA 1 : ENCOUNTER

2 0 0
                                    

Ara's POV

BAGONG semester na naman. Napakaraming nangyari sa nakaraang semester. Gawain ng isang tipikal na istudyante, mga projects, culminating, at ang pangpinal na mga pagsusulit.

"Jed, pakiedit na rin ako nito." wika ko sa editorial committee namin for the upcoming acquitance party.

"Sige pres, ora mismo!" may pagkindat pa na sagot niya.

Oo na. Ako nga ang nailuklok na presidente ng college organization namin. Hindi man halata pero talaga namang gusto ko ang ginagawa ko. Mahaba habang istorya pa kapag ikunwento ko pa iyon.

Basta, nangyari nalang. Siguro may mga bagay talaga na ganon. Hindi mo inaasahan, pero mangyayari pala. Ika nga nila, "kung para sayo, hahanap ito ng paraan para makarating sayo".

"OMG! Is Jed Hiblan, trying to flirt with you?" kalabit ni Tanya sa akin ng makaalis si Jed.

Lumapit din si Kad sa akin na mukhang kanina pa nagmamasid tulad ni Tanya. Napairap ako at hindi na lamang pinansin ang sinabi niya.

"Obvious naman na bet nun si Ara. Last culminating nga, nung naghost 'yang si Ara, naku hindi na maalis tingin ni Jed sakanya ." singit naman ni Kad na talagang tinuro turo pa ang dinaanan ni Jed.

Inayos ko ang mga papel na kanina ko pa iniisa isa para tingnan kung ano pa ang mga kakailanganin namin sa gaganaping event. Sinukbit ko rin ang bag ko sa aking balikat saka naglakad palabas. Sumunod naman sa akin ang dalawa, tila mga buntot.

"Alam niyo mga sis, kung meron mang gusto yung tao sa akin, edi dapat umamin na siya? Pero wala diba? Huwag niyo ngang bigyan ng malisya yung tao. At kung meron man, wala naman akong oras sa mga ganyang bagay. Dito pa lang sa org at sa mga gawain sa classroom nauubos na ang oras ko pano-" mahabang litanya ko na pinutol ni Tanya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Really?" parang nanunudyong sabi niya.
"Or perhaps it's because hindi si--"

Nasa labas na kami ng canteen kaya napatigil na ako sa paglalakad at hinarap ang bunganga ng aking kaibigan. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil alam ko na kung sino na naman ang kanyang babanggitin. Kaya naman inunahan ko na.

"If this is all about Herald Monticillo, I'm telling you for the hundred and millionth time that, I. DON'T. LIKE. HIM. NEVER." diniinan ko ang huling limang salita at mukhang napalakas yata ang mga iyon dahil napatakip ng bibig sina Tanya at Kad, animo'y nahihiya dahil nakuha namin ang atensyon ng iilang istudyante.

Pagkatapos kasi nung insidente kung saan nagkausap kami ng Monticillo na iyon ay walang araw na hindi binabanggit ng dalawa kong kaibigan ang pangalan niya. Kulang nalang ay maging reporter sila at sa akin nila pinapaalam kung ano ang nagyayari sa Monticillo na iyon.

Tulad na lamang kahapon. Nakita raw nila ang lalaking iyon sa court ng basketball at naglaro umano ito kasama ang mga local na manlalaro ng aming unibersidad. Marami umanong nanonood na at napapahiyaw na mga babae sa bawat tira nito ng bola. At talaga naman daw na napakagaling nito. Kung kaya ay inalok daw ito ng coach na sumali sa grupo para sa darating na PU Week. Dagdag pa ng dalawa kong kaibigan ay baka raw magpirmanente siya sa grupo at maging captain pa kapag nagpatuloy siya sa pag i-ensayo kasama ang mga manlalaro.

At kani-kanina lang, bago pa nila ko tuksuhin kay Jed ay naikwento na naman nila sa akin ang Monticillo na iyon. Siya rin daw ang nailuklok na Pangulo sa kanilang College Organization dahil napakalaki umano ng potensyal nito. At balak din daw siyang itulak ng kanyang Dean na tumakbong pangulo sa Student Council sa susunod na taon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Ikaw?Where stories live. Discover now