Ang buhay nga ay tunay na parang isang roller-coaster ride. Minsan masaya, minsan nakakatakot, at minsan nakakalungkot. Madalas nga ay nakakapagod.
"Nakakapagod maging tao." wala sa sariling naiutas ko habang nagsasandok ng kanin sa rice cooker.
"Oh, eh ano ba gusto mo? Maging ipis?" tanong ni ate na parang nagulat pa sa aking nasabi.
Kasalukuyan siyang nagsasandok ng kanin para sa anak niya habang karga karga ang isa pa niyang supling na limang buwan pa lamang.
Napabuntong hininga nalamang ako sa tanong ni ate. Pumunta lamang ako sa bahay nila dahil nais ko na matapos ang project na ipapasa ko sa susunod na semana. Dito kasi kina ate ay may internet connection, hindi tulad doon sa bukid kung saan ako umuuwi. Doon ay para kang nasa kabihasnan at pawang mga tanim na palay lamang ang makikita.
Kakalipat lang nina ate dito sa bago nilang bahay at masasabi kong maganda ito kumpara sa bahay nila dati sa bukid na ngayon ay tinitirhan ko na.
Hindi ganun karangya ang estado ng buhay namin pero nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Masasabi kong masaya na ako sa ganito.
"Tita Ara, mapuli ka na?" tanong ng pamangkin ko na si Max na nakapagpabalik saakin sa sitwasyon ko. Nagliligpit na ako ng mga gamit dahil kakatapos ko lang din ligpitin ang mga pinagkainan.
"Oo, beh. Uuwi na ako." sagot ko sa tanong niya na kung uuwi na daw ba ako. Isang gabi lang din ako dito sa bahay nina ate dahil natapos ko na rin kahapon ang project na kailangan kong tapusin.
"Halung, ra. Pwede ka naman pumunta dito anytime kung gusto mo." singit ni ate na karga parin ang natutulog na niyang sanggol. "Ba-bye, tita ara!" dagdag pa ni Max. Bali dalawa na ang anak ni ate. Yung panganay ay babae, si Max. At yung sanggol naman ay si Red.
After manganak ni ate ay napakalaki na talaga ng pinagbago ng kanyang itsura at katawan. "Sige, nang. Salamat ulit! Mwaa!" paalam ko saka sumakay sa papadaan na tricycle sa labas ng bahay nina ate. Kumaway pa si Max na animo'y mamimiss niya ako.
Habang papalayo sa bahay nina ate ay kita ko din siyang nakatayo sa gate nila at hinatid ako ng tingin papalayo. Noong nasa Maynila pa kami ay payat at kahit morena ay makikitaan mo talaga ng magandang itsura.
"Nang" ang tawag ko kay ate, salitang Hiligaynon short-cut for Manang. Tubong Estancia ang aking ina at ang aming ama ni ate ay galing naman sa Maynila na wala na ngayo. Hindi ko nakasama o nakilala ang aking ama.
Ang sabi lang ni mama ay namatay si papa noong nasa ikatlong baitang pa lamang ako sa elementarya. Si mama naman ay hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ng mundo napunta simula nung maghighschool na ako.
Pagkauwi ko ay agad na akong nagbihis at nagdilig ng halaman sa labas. Ito lamang ang aking pinagkakabalahan liban sa pag-aaral. Kasalukuyan nga pala akong 3rd year college sa isang unibersidad dito sa aming lungsod. Business Administration ang kinuha kong kurso dahil dati pa man ay gusto ko na makapagtrabaho sa isang malaking kompanya.
"Ara!!! Yung report natin. Next monday na ipapasa yun, sis. Malalagot tayo kay Z." bungad ni Tanya saakin nang sumunod na lunes pagpasok ko pa lang ng classroom. "At alam mo ba na next week na daw ang pre oral defense natin."dugtong niya na talagang buntot ko pa hanggang makaupo.
Iilan pa lamang ang mga kaklase ko na nasa classroom. Mabuti nalang at hindi namin nakukuha ang atensyon nila. Umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko si Tanya.
" Sis, may chika pa 'ko. May newbie na guy sa engineering department." mahinang sabi niya na nakapangalumbaba pa na animo' y pinapantasya ang mukha ng tinutukoy na lalaki. "hindi ko pa nakikita pero sabi ng mga mahadera nating kaklase, gwapo daw at galing Maynila." ang tinutukoy niyang mahadera ay' yong mga kaklase namin na mga mayayaman at matapobre "spice girls" ang tawag nila sa grupo na iyon.
YOU ARE READING
Bakit Ikaw?
Teen FictionSabi nila, bawat tao daw ay mayroong THE ONE. Ang the ONE na siyang para sayo at sayo lamang. Maaaring sa ngayon ay nasa ibang tao ang atensyon niya o 'di kaya' y may minamahal siyang iba. Pero, darating din daw ang panahon na makikilala mo siya. Yu...