Nakakatakot palang 'Magmahal' kasi nandyan ang takot at pangamba na baka biglang mag bago. Nakakatakot na baka pagsinubok kayo ng tadhana isa sa inyo ang sumuko at ang isa nalang ang pilit na lumalaban. Pero sabi nga nila hindi naman ganun ang totoong pagmamahalan, hindi puro sakit, luha. Dapat ang pagmamahal, binibigyan ka ng katahimikan, kaginhawaan at kasiyahan. Kahit na ano pang pagsubok, sabay kayong lalaban para maprotektahan ang nabuo niyong pagmamahalan. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang umayaw? Anong gagawin mo?