Prologue

4 0 0
                                    

A/N: Hi! Sorry binago ko ang story na ito, promise gagandahan ko.

Magaan na ang bawat hakbang ko papasok sa lugar na minsan ko nang iniwan. Wala parin pinagbago ang mga bahay, ang mga tao ay may mga iilan ng nadagdag, hindi ko na kasi kilala ang iba.

Malamig ang hangin dahil maaga pa at ang araw ay pasikat palang kaya hindi gano'n ka init.

Paliko na ako sa daan na noon ay halos walang araw na hindi ako dito dumadaan, para lang makita siya.

At sa pagkakataon na ito, parang nadurog muli ako dahil sa di kalayuan natatanaw ko ang isang babaeng nakatalikod. May hawak itong batang babae na siguro nasa siyam na buwan palang ata.

Nilalaro niya ito at humahagikgik naman iyong bata. Isang gabi lang yon at impossible dahil may proteksiyon iyon.

Baka may asawa na siya?

Dahil imposibleng sakin ang bata kasi sigurado akong may proteksiyon nong gabing yon.

Hindi ko alam ang gagawin ko, aatras ba ako o didiretso at hindi sila titingnan. Sa huli umatras ako at sa kabilang kalsada ako dumaan. Pagkarating ko sa bahay sinalubong ako agad ni Mama ng yakap.

"Kumain kana ba, Nak? Nagkuto ako ng palabok". Masayang sabi nito, tumango naman ako at dumiretso sa kwarto ko.

Pagkababa ko ng mga dala ko, para akong pinalo sa likod ng tuhod ko at tumumba ako sa higaan ko.

Tangina.

Kasalanan ko ang lahat!

Bakit kasi umalis pa ako?!

Mahal na mahal ko siya.

"Nak, may sulat pala sayo ito oh". Napatingin naman ako sa ibaba ng pinto kung saan pinadaan ni mama ang isang sobre na pink.

Tumayo naman ako at pinulot ang sobre, nag dadalawang isip kung bubuksan ko ba o wag na. Sa huli binuksan ko.

Markale,

Maraming pagkakamali, ilang ulit nagpatawad, umasa na may mababago. Na babaguhin mo, iiwasan mo, kakalimutan natin. Pero mahirap kalaban ang sarili, hindi ba? Pero sana manlang sinubukan mong labanan...

Sa bawat gabi na lumilipas sana naisipmo na mas nahihirapan ako kesa sayo at kung ngayon na nagbalik kana, sana malaman mo na ako naman ang lumisan.

Reiz

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa lumisan pero sana mali ako, hindi sana ang tuluyan na pamamaalam.

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag totoo nga iyon, mahal na mahal ko siya. Naging makasarili lang ako nong panahon na akala ko nasasakal ako.










































Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White RibbonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon