Hindi napigil ni Alyssa ang bayolenteng reaksiyon ng sariling katawan. Para iyong may sariling isip na nagpadarang sa marahas na haplos ni Victor, maging sa mainit nitong mga halik. Sa muling pagtatagpo ng landas nila ng lalaki makaraan ang mahabang panahon ay tila walang nabago sa intensidad ng kanyang pagmamahal dito sa kabilang kaalamang paghihiganti ang pangunahing motibo ng pakikipaglapit nito sa kanya. "Alyssa..." Wala nang mababakas na galit sa bulong nito. Napapikit na lamang siya. Tuluyan nang pumanaw ang anumang resistance na natitira sa kanya. Tanging ang nalalabi ay ang masarap na pakiramdam habang patuloy ito sa mapanuksong galaw ng mga labi at kamay nito...