Financially in need si Karina kaya napilitan siyang tanggapin ang trabahong iniaalok sa kanya ng mag asawang Cario at Ledda Alegre sa kabila ng kaalamang ang magiging boss niya ay isang lalaking itinatakda yatang maging kaaway niya. Hindi pa man ay inihanda na niya ang sarili sa gagampanang papel sa ilalim ng pamamahala ni Lloyd, ang binatang subok na niya sa kasungitan at numero unong antipatiko. Subalit ang hindi niya napaghandaan ay ang unti-unting pagkapukaw ng natutulog niyang puso sa bawat sandaling magkasama sila... sa tuwing madidikit siya sa guwapong binata. Walang dudang umiibig na si Karina rito. At ang nakakainis, wala itong ideya sa nararamdaman niya dahil wala pa ring pagbabago sa trato nito sa kanya. Subalit madalas niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya...