Isang lihim na ibinunyag ng kapatid ni Greg na si Lauro ang nagpasarado sa puso nito upang magtiwala sa mga babae. Kung noon ay naniniwala siya sa tapat na pag-ibig, ngayon ay isa na lamang itong salita na kailan man ay hindi na niya pinaniniwalaan pa. Para sa kanya ang tunay na pag-ibig ay hindi na nag-e-exist pa sa mundo. Para sa kanya ay wala nang babae na tapat pa. Kahit na sino pa man. Walang alam si Hazel sa tunay na nangyari sa buhay ni Greg. Ngunit isa lang ang alam niya. Mahal niya si Greg. Mahal niya ang suplado na biyudong boss niya. At sisikapin niyang maging mabait ito sa kanya. At kung papalarin ay mapa-ibig niya ito. Magbubunga ba ang pagsusumikap ni Hazel na mapa-ibig ang boss niya o tuluyan nang sarado ang puso nito sa mga babae? Started: January 6, 2022 Ended: June 27, 2022 (Estimate) #romcom