Chapter 35

14 1 14
                                    

"Sigurado ka na ba?" usisa ni Jo Ash sa kaibigan na abala sa pag-iimpake ng mga gamit. Nagpasama si Tantan sa kaniya para mag-ligpit ng mga gamit sa apartment.

"Oo naman. Huwag kang mag-alala, babalik din ako. Hindi nga lang sure kung kailan," sagot nito sa kaibigan.

Hindi alam ni Tantan kung paano magmo-move on kung lagi niyang nakikita ang dalaga. Ang tanging solusyon na naisip niya ay iwasan ito. Pagpunta niya sa apartment kanina ay nakita niyang paalis ang kotse ni Greg kasama si Hazel kaya naman malaya siyang nakakikilos.

Wala siyang balak na guluhin ang dalawa at ayaw ri naman niyang makasira. Palalayain na niya dalaga. Ayaw niyang mahirapan pa ito nang dahil sa kaniya. Sa simula't simula pa lang naman ay kaibigan lang ang turing nito sa kaniya. Siya lang itong nagbigay ng kulay dahil mabait ito sa kaniya.

"Ayan. Okay na. Let's go," saad ni Tantan pagkatapos ay huminga nang malalim. Isa-isang isinakay ang mga gamit sa kotse. Wala rin naman siyang gaanong gamit dahil galing ang lahat sa may-ari ng apartment. Mag-isa lang din naman siya kaya hindi niya kinailangan bumili ng appliance.

Ilang beses na niyang sinubukang isipin na kaibigan lang ang ituring sa dalaga pero talagang mahal niya ito. Hindi niya kayang makita ito araw-araw kaya siya na lang ang iiwas. Wala talaga siyang naisip na puntahan pa. Kung saan lang siya dalhin ng mga paa niya hanggang makalimot.

Panahon na rin upang bisitahin niya ang mga magulang niya. Matagal na rin niyang iniwasan ang mga ito. Baka ito na ang pagkakataon para asikasuhin naman niya ang sarili niya. Napatingala siya pinto ng bahay ni Hazel bago tuluyang iwan ang apartment.

"I'll see you tomorrow," sabi ni Greg sa dalaga. Sinulit nila ang buong weekend nila na magkasama. At ngayon ay tapos na nga ang araw ng linggo. Balik na naman sila sa opisina.

"Yup. See you. Huwag ka nang bumaba. Late na masyado. Baka ma-traffic ka," saad naman ni Hazel dito.

"Sure ka?" Natawa si Hazel sa tanong nito.

"Oo naman. Ayan lang ang bahay ko. Ikaw malayo ka pa. May pasok pa bukas." Natawa rin naman si Greg. Halos ayaw na nga nilang maghiwalay mula pa kanina. Maaga pa lang ay namasyal na sila ng binata. Buong araw din silang nasa labas.

"Okay, then. I'll pick you up at 7am." Tumango naman si Hazel. Humalik sa kaniya ang binata at pagkatapos ay umalis na. Naglakad naman siya papasok sa gate. Napalingon siya sa bahay ni Tantan nang mapansing wala pa rin itong ilaw.

"Nasaan kaya siya?" tanong ng isip niya. Kung sabagay ay iiwasan naman niya ito sakaling naroon ito. Umakyak na lamang siya sa itaas.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, a," usisa ni Manang Maca sa binata na pahuni-huni pa habang inaayos ang kurbata nito. Maaga pa lang ay gising na si Greg. Ang matandang kasambahay naman ay nakapagluto na ng almusal.

"Lagi namang maganda ang gising ko, Manang." Natawa na lang ang matanda sa kaniya. Nagbalik na nga ang Greg na kilala niya.

"Ikaw talaga. Halina't kumain. Luto na ang almusal." Nangingiti pa rin ito habang nakatingin sa binatang hindi rin maalis ang ngiti.

"Baka mapunit na iyang labi mo kangingiti sa salamin. Akin na nga at ako na ang mag-aayos niyan," sabi ng matanda na tukoy ay ang kurbata nito.

"Salamat, Manang. Pakibalot na lang pala ang almusal. Sa opisina ko na lang kakainin." Naisip niyang sabay na lang sila ni Hazel. Pagkaayos ng kurbata ay sumunod naman ang matanda. Iniayos nito ang pagkain pagkababa. Pagkatapos ay bumalik na sa pagtutupi ng mga damit na nilabhan niya.

"Alis na ako, Manang." Pagkapaalam niya ay nagtungo na ito kotse. Napasilip naman ang matanda sa kusina at naiiling. Naiwan ni Greg ang ibinalot na pagkain.

I Love Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon