Naomi Aein Sison is a twenty-year-old breadwinner of her family. Maaga niyang hinarap ang responsibilidad dahil sa awa sa kaniyang ama. Pilit siyang nagkukubli sa matapang at malakas niyang personalidad. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan kasi alam niyang maraming nakaasa sa kaniya. Oras na bumigay siya, malulugmok ang kaniyang buong pamilya. Babaeng kulang na lang hatiin ang katawan sa tatlo. Buo man ang pamilya niya, hindi niya naman maramdamang masaya siya. Pakiramdam niya lagi siyang mag-isa at walang kakampi. Tila walang nakakakilala sa kaniya. Walang may gustong makinig. Walang gustong yumakap at aluin siya. Napapagod din si Aein, pero hindi niya alam kung kailan ba may didinig sa kaniya. Kailan kaya siya lalaya sa ganitong sistema?