Sa pagyao ng kanyang ina ay lumitaw ang isang malaking katanungan para kay Ynna: Sino ang tunay na nagsilang sa kanya-ang nakagisnan niyang inang si Maria Ana o ang kapatid nitong si Ana Maria? Batid niyang abot-kamay lamang niya ang kasagutan kung hindi lamang nakabalandra sa pagitan Si Neo Villamor, ang stepson ng kanyang Tiya Ana Maria. Mabangis ngunit simpatiko, ang binata ay tila isang masikip na lagusan na dapat niyang tahakin bago niya marating ang hinahangad niyang katotohanan. Ilang halik ba ang dapat niyang ipaubaya rito bago niya malaman kung sino ang tunay niyang ina?