Chapter 9

466 7 0
                                    

"Am I? Have I imagined you sad beside me all the way back? Have I imagined a defeated spirit in you? Hindi ka dating ganyan. My God, your silence is in fact bleeding me to death!"

Bakit ba apektadung-apektado ito ng kanyang pananahimik? Wala siyang ideya sa tinatakbo ng mga reaksiyon nito.

"Mas komportable ako, mas confident kapag iyong dating Ynna na bitchy ang kaharap ko," patuloy nito. "Yong dating ikaw na hindi nawawalan ng spirit. Yong Ynna na sa mga halik ko'y higit na nagiging madaldal—"

"Don't remind me of that kiss—"

"Are you trying to forget that kiss, Ynna?"

Matuwid na pinagmasdan niya ito. Pinipilit niyang bale-walain ang kakaibang kulay na gustong bumalot sa paligid. Hindi nila dapat pinag-uusapan pa ang tungkol sa halik na iyon.

Iyon ay aksidenteng pinabayaan niyang mangyari.

"Aksidente? All right then, hindi. Pero iyon ay isang teribleng bagay na hindi na niya dapat maalala pa. Ni maulit."

"Siyempre, hindi mo makakalimutan ang halik na iyon, Ynna..."

Napahumindig siya nang bahagya nang maramdaman niya sa kanyang mga braso ang humahaplos na mga kamay nito.

"Same here. I would never forget that I've kissed you."

"N-Neo, please, l-let me go."

Pero ang pakawalan siya ay tila siyang pinakamalayo sa mga iniisip nito. He was gentle and that never-before-heard gentleness ang nagpapaantak sa damdamin niya.

"Share it with me, my sweet Ynna," he said softly into her ear. "Tell me what troubles you."

A trembling started somewhere inside her as he heard him call her "my sweet Ynna." And the weakness that assaulted her, she knew would bring her trouble. Gayunman ay hindi niya kayang paglabanan ang pagkakalapit nito sa kanya, gayundin ang tinig nitong tila nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang laman.

"I-I can't..." she moaned. And helplessness urged her to lean her head against his chest.

Mandin ay pakpak ng mapagkalingang agila, sumalikop sa kabuuan niya ang mga bisig nito, pressing her gently against the hardness of his body.

"Trust me," he breathed. Marahang iniangat nito ang kanyang mukha. She saw warmth emanating from his black piercing eyes. At mandin, ang init na iyon ang nagpapatighaw sa labis na sama ng loob na nakasilid sa kanyang dibdib. "Trust me," ulit nito. Ang hininga nito ay pumupuno sa kanyang pang-amoy. "Tell me."

"N-Neo..."

Attraction suddenly became awesome at that moment. Sagisag ng ibayong paghahangad ang anyo nito. Mandin ay higit pa sa pakikiapid nito sa dinaramdam niya ang gusto nitong balikatin mula sa kanya kundi siya, buung-buo, ang gusto nitong maangkin.

"Y-Ynna..."

He began to lower his head and she became defenseless.

Nagtagpo ang mga labi nila. The gentleness she saw and heard was in his kiss. Anupa't lumaganap sa kabuuan niya ang kapayapaan, katiwasayang hindi niya maunawaan. And she wanted more.

A feeling of incomparable joy flooded her when the intensity of his kiss deepened, became adventurous and demanding. Gentleness pa rin ang nararamdaman niya kahit nang maging marahas at mariin ang bawat pagyakap, paghaplos ng mga kamay nito.

Ganap ang pagsiklab ng apoy sa kanya nang animo kawad ng kuryenteng nanulay sa tarik ng kanyang leeg ang bibig nito. Impit na pagdaing ang pumuslit mula sa kanyang lalamunan nang sapuhin ng mga kamay nito ang magkabilang dibdib niya, and how glorified she felt when his thumbs toyed with her hardened nipples.

Possession - Digna De DiosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon