Sanay si Nerissa na hinahangaan at pinaluluguran. Kaya nabibigla siya sa ikinikilos ni Lawrenee, ang "forced"bodyguard niya. Forced dahil ang daddy lang niya ang may gustong magkaroon siya ng bodyguard. At sa dinami-rami naman ng puwede nitong i-hire, si Lawrenee pa na nuknukan ng antipatiko ang pinili nito. Puwes, kung inaakala ng lalaking iyon na ito ang masusunod, nagkakamali ito. Siya pa rin ang amo nito. Pero tila hindi ganoon ang itinatakbo ng mga pangyayari. May kung anong taglay ito na napapasunod siya nito gayong hindi naman ito gumagamit ng lakas... at dahas.