Paano kung bigla kang mahulog sa bestfriend mo? Parang kailan lang, nagkukwentuhan kayo tungkol sa mga crush n'yo, nagtatawanan sa mga kabaliwan ng isa't isa. Tapos biglang, may kakaiba kang nararamdaman. Parang ang sarap lang ng pakiramdam kapag kasama mo siya. Tapos, handa ka nang aminin, handa ka nang ipaalam na iba na ang nararamdaman mo, pero biglang nag-iba ang takbo ng buhay. Nagkahiwalay kayo, naglakbay sa magkaibang daan. Panahon, distansya, iba't ibang tao- lahat yan, nagsisimula nang makaapekto sa inyong koneksyon. Maghihintay ka ba? Magtitiwala ka ba na kahit gaano pa katagal ang pagkakahiwalay n'yo, magiging kayo pa rin? O baka may iba na silang makatagpo sa kanilang paglalakbay? Nakakakaba, nakakapanghina, pero nakakatuwa rin. Nakakatuwa dahil nararamdaman mo ang pagmamahal, pero nakakakaba dahil hindi mo alam kung may happy ending ba sa love story na ito. At paano nga rin ba kung sa muling pagkikita, may iba ng mahal ang isa sainyo at hindi gaya ng dati ang inyong nararamdama? Kaya mo bang mag palaya? Makalimot sa nakaraang pag-ibig? Sino sa tingin n'yo sakanila ang magbabago, at makakalimot. Sino sakanila ang magmamahal ng iba?