Si Ria Azaleah Garcia na buong puso niyang tutuparin ang pangarap ng kaniyang namayapang ina, ngunit matutuloy pa rin ba ito kung dadating ang mga lalaking handang baguhin pa ang isip niya sa pag mamadre, si Gilbert na handang umibig kay Azaleah sa kabila ng pagkamatay ng kanyang nobya, Si Liam na handang makipag paligsahan kay Gilbert sa pag-ibig, at Si Theo na kababata ni Azaleah. Sino nga ba ang mag wawagi? Kung magsisimula ang kwento na may tatlong lalaki na kumakatok sa puso ni Azaleah, magtatapos nga ba itong makakapili siya sa tatlo, o tutuparin niya ang kanyang pangako sa ina, o magtatapos itong wala sa kanyang plano? Paano kung ang mga taong nagmamahal sayo ay biglaan ka na lang iwan ng sabay-sabay? Paano kung ang taong mahal at buong akala mo ay kilala mo na, ay hindi pa pala?