Huling yugto ng kwento ng dalawang babaeng nag-iibigan. Muling bumalik sa mundo ng mga mortal si Althea, matapos siyang sagipin ng dalawa niyang kapatid. Ngunit, parehas walang alaala ng nakaraan sina Althea at Jade. Sa muling pagbabalik nya sa mundo ng mga mortal, muli silang magtatagpo ni Jade. Ngunit, nakatakda na itong ikasal sa nobyo niyang si David. Mananatili na lamang bang nakaraan ang lahat o muling ipapaalala ng tadhana ang totoong pagmamahalan ng isang mortal at ng isang immortal.