Nang iwan ni Dion ang buhay niya sa Maynila ay positibo siyang mahahanap ang bagong takbo ng kanyang buhay sa ibang lugar pero kabaligtaran ang nangyari. In the past five years, she became a complete epitome of a living automaton. Kaya nang mawalan siya ng trabaho at tirahan sa loob ng iisang araw ay napapayag siyang manirahan sa probinsiya nang may mag-alok sa kanya. Baka raw sakali doon ay makita niya ang buhay na hinahanap niya. Umasa naman siyang mag-iiba ang buhay niya ngunit ang hindi niya inasahan ay ang makitang muli si Al, ang taong naging dahilan kung bakit niya iniwan ang buhay sa Maynila. Sino ang mag-aakala na kahit sa dulo ng mundo ay magkikita pa rin sila nito? Ang masaklap ay mahal niya pa rin ito. At ang masakit ay hindi na ito kagaya ng dati.