Chapter Four

68 0 0
                                    



Halos tatlong oras yata ang byaheng ginawa nina Dion at Al para makarating sa sinasabing safehouse nito. At kahit nag-alinlangan si Dion na sumama rito sa umpisa ay kabaligtaran niyon ang kanyang naramdaman nang makarating sa lugar.

Natakot siya noong una nang dumaan sila sa loob ng kweba pero nang makalagpas sila roon ay napanganga na lang siya nang tuluyang pumasok ang sasakyan sa malawak na bakuran nang may kaataasang pader.

May malaking sementadong bahay sa dulo. Nang makapasok sila sa loob ay napansin niyang hindi pa iyon tapos pero kompleto sa gamit. Moderno ang dating ng bahay.

"Kaninong bahay 'to?" tanong niya nang paakyat na sila ni Al sa second floor.

"Sa pamilya," sagot nito saka pumasok sa isang kwartong may bilog na kama. "Ito muna ang kwarto mo. May mga damit at gamit sa cabinet. May banyo rin dito," dagdag nito.

Tumango lang siya sa sinabi nito saka sumunod na pumasok. Mayroon pa itong sinabi pero hindi na niya narinig dahil dahan-dahan siyang pumunta sa may glass door kung saan ay tanaw niya ang asul na karagatan. Kusang umawang ang kanyang bibig sa ganda ng view.

Binuksan niya iyon at tinungo ang terasa. Hindi na siya nag-abalang magpaalam tutal ay kwarto niya naman daw iyon.

Huminga siya ng malalim nang masamyo ang hangin. It felt so fresh. Hindi sila kalayuan sa dagat kaya alam niyang nasa dulo pa rin sila ng Pilipinas. Nasa gitna sila ng gubat pero dahil two storey ang bahay ay tanaw niya ang dagat. Kung hindi berdeng kagubatan ay asul na dagat lang ang nakikita niya.

Napapikit siya at muling sinamyo ang hanging humahalik sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay safe na safe siya roon. Just like what Al wanted.

"Please, until this is over and done, stay with me. I just want you safe."

Dumiin ang hawak ni Al sa may glass door nang makita ang nakapikit na si Dion. Hindi niya maalis ang tingin dito. Kahit profile lang ang nakikita niya ay nagdulot iyon ng pamilyar na sikdo sa kanyang damdamin.

Hindi nga ba't sa ganitong pagkakataon niya rin unang napansin na may pinukaw itong kakaibang damdamin sa kanya?

Magkakilala na sila nito simula pa noong kolehiyo dahil sa iisang school sila nag-aaral. Nang magdaos ng Leadership Training Seminar sa isang resort ay doon niya ito unang napansin. Freshmen representative ito samantalang Redcross officer naman siya. Dalawang taon ang agwat nila nito. Habang naglalakad ito paglabas ng kwarto ay nililipad ng hangin ang buhok nito. And he thought she was a sight to see. Kaya hindi niya lubos maisip kung paano nangyaring nag-iba ang hitsura nito ngayon. Maganda pa rin naman ito pero mapapansin na ang panlalalim ng mga mata nito. Hindi na rin kasing aliwalas ng mukha nito noon ang ngayon. At ang malaki niyang pinanghinayangan ay ang sobrang pagpayat nito. Nang makita niya ito sa plaza ay agad niya itong nakilala pero nang makita ang kabuuan nito sa ospital na para bang hindi nito inalagaan ang sarili ay binalot siya ng guilt at lungkot. At nang makausap ito ay mas lalo siyang nalungkot. Puno ng pait ang pagkatao nito.

Ano bang nangyari sa kanila? Tanong niya sa sarili. Halos limang taon niya ito naging girlfriend. Dalawang taon na naging asawa. At ngayon ay limang taon ng hiwalay.

Kumurap siya. Hindi siya ang tipo ng lalakeng ma-sentimyento pero kilala niya ang sarili na pagdating kay Dion ay mababaw ang luha niya.

Napailing siya dahil biglang umere ang kantang 'First love never dies' sa kanyang isip. Yes, they were each other's first love.

"Bakit?"

Napaayos siya ng tayo nang marinig ang boses ni Dion. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Nilalaro ng hangin ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha.

A LIFE WITH YOU IN ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon