Chapter 8
Kahit nasasaktan sa pambabalewala ni Al ay ayaw nang isipin ni Dion ang nararamdaman. Ang gusto lang niya ay magpasalamat na sa wakas ay makakauwi na siya kina Mang Tinoy. Ngunit nang mapasulyap sa katabing si Al ay muli namang kumirot ang kanyang dibdib. She felt like crap. At kasalanan niya. She repeated history. Itinulak niyang muli ang lalake at ang idinulot niyon ay nasaktan niya hindi lang ang sarili kundi ito rin.
Tama si mamang alam na nga ni Al na safe sila at walang panganib sa buhay nila. That following day ay umalis na agad sila sa safehouse. Hindi na siya nabigla dahil nalaman na niya iyon kay mamang. Ang ikinabigla niya lang ay ang katotohanan na maghihiwalay na sila ng landas ni Al. And it was evident dahil magmula ng manggaling sila sa safehouse ay hindi na siya kinausap nito.
"Wala na ba talaga akong halaga sa'yo? Hindi ka na ba talaga nagbago? You're stil the same, difficult, selfish brat?"
Kinagat niya ang labi. Kumikirot ang kanyang dibdib nang maalala ang mga katagang sinabi ni Al sa kanya nang nagdaang gabi.
"Miss Dion?" pukaw ni Ken sa kanya. "Nandito na tayo."
Napatingin siya sa labas at lalong nalungkot na nakarating na nga siya kina Mang Tinoy. Napilitan siyang tumango kay Ken. "Salamat sa lahat, Ken," matipid ang ngiting sabi niya. Sa tatlong linggong pinagsama nila ay nakaagaanan niya ito ng loob kaya nalulungkot din siyang magkakahiwalay sila nito.
"Walang-anuman. Sana magkita pa tayo ulit," hopeful ang ngiting ginanti nito sa kanya.
"Sana nga," aniya kahit alam niyang malabo ng mangyari 'yon.
Nang balingan niya ang katabing si Al na tahimik lang buong byahe ay pilit niyang tinatagan ang sarili. Ito na ba talaga ang huli nilang pagkikita? Akmang kakausapin na niya ito nang biglang buksan nito ang cardoor at lumabas ng sasakyan.
Laglag ang balikat na sumunod siya ritong bumaba. Pagkababa ay napansin niyang tahimik ang buong paligid. Sarado ang bahay nina Mang Tinoy. Marahil ay nasa resort pa ang mga ito. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Al. Blangko ang expression nito kaya hindi niya alam kung galit pa rin ito o ano.
"Sa'n ang bahay mo?" malamig na tanong nito.
Nagtaka man ay tiningnan niya ang kanyang cottage.
Huminga ito ng malalim saka walang sabi-sabing tinunton ang kanyang bahay. Kumunot ang kanyang noo pero agad din niya itong sinundan. Sinubukan nitong buksan ang pinto pero naka-lock iyon. Nagtaka man ay hindi na siya nagtanong. Kinuha niya lang ang susi mula sa pot ng halaman saka binuksan ang pinto. Pagkabukas niyon ay nauna pa itong pumasok kesa sa kanya. Nang nasa loob na ito ay walang sabi-sabing pinaghahalungkat nito ang kanyang mga gamit.
"Al?!" gulat na bulalas niya.
Hindi ito tuminag. Mabilis ang mga kamay nitong hinalughog ang kanyang bahay mula sa kanyang aparador hanggang sa mga karton at kagamitan niya. Pati mga libro niya ay hindi nito pinalampas. Parang may hinahanap ito. Kulang na lang ay baligtarin nito ang kanyang kubo.
"Al, ano bang ginagawa mo?" sita niya rito. Pipigilan na sana niya ito pero nang tumawa ito ng mapakla ay natigilan siya.
"Ni isang picture ko wala ka talagang itinago? Ang mga sulat ko rin ba itinapon mo na lang?" puno ng hinanakit ang boses nito.
Umawang ang kanyang bibig rito. Ang akala niya ay tapos na ito sa outburst nito kagabi. Kaya hindi niya inasahan ang ginagawa nito ngayon. Napatitig na lang siya nang ibagsak nito ang katawan sa nag-iisang bangko sa loob ng kanyang cottage. Inihilamos nito ang palad sa mukha bago siya binalingan. Namumula na ang mga mata nito at puno ng hinagpis ang mukha.
BINABASA MO ANG
A LIFE WITH YOU IN IT
RomanceNang iwan ni Dion ang buhay niya sa Maynila ay positibo siyang mahahanap ang bagong takbo ng kanyang buhay sa ibang lugar pero kabaligtaran ang nangyari. In the past five years, she became a complete epitome of a living automaton. Kaya nang mawalan...