19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
“Panibagong Yugto”
-Black Diamond
Sa punto ng aking buhay
May panahon din na ako’y nalulumbay
Pilit lumalaban kahit walang kaaway
Napapangiti nalang at napapakunot-kilay.
Ngunit ‘di ako huminto kahit minsan
Isang araw, aayon din sa’kin ang kapalaran
Hindi man kasing bilis tulad ng aking inaasahan
Alam kong may magandang nakalaan.
Taimtim akong nananalangin
Habang nakangiting nakatitig sa mga bituin
Mga pangarap ko sana’y dinggin
At tadhana’y ipaubaya niya sa akin.
‘Di man lahat natupad
Gayunpaman masaya ako at mapalad
Sapagkat hindi lahat ay nabibiyayaan
Ng buhay na hiram lamang.
Hindi ko nga lubos akalain
Malayo-layo na rin pala ang aking narating
Kahit marami mang balakid ang dumating
Sa awa ng Diyos, ang mga pagsubok ay nalagpasan din.
Salamat Ama sa panibagong buhay
Sa bagong yugto na tiyak ay puno ng kulay
H’wag mo sana akong pabayaan ‘pagkat ikaw ang aking gabay
At ang ilaw na magsisilbing liwanag sa aking paglalakbay.
Maraming salamat sa mga nakaalala
Lalo sa aking mga kaibigan at pamilya
Higit na sa aking mapagmahal na asawa
Puso ko ngayo’y nag-uumapaw ang saya.
-November 14, 2024 | 7:00AM
https://www.wattpad.com/1497880064?utm_source=ios&utm_medium=postToProfile&utm_content=share_writing&wp_page=create_writer&wp_uname=19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
“Wikang Pilipino”
-Black Diamond
Mahirap ka bang mahalin?
Tila ang hirap mong yakapin
Lalo na ng mga bagong supling
Mas pinapantasya ang banyagang wika kaysa sa sariling atin.
Hindi ko mawari kung bakit
Sa ibang bansa’y sarili nilang lengguwahe ang gamit
Patunay lamang na ‘di nila ito pinagpalit
Bagkos minamahal ng lubos na parang paslit.
Walang masamang gumamit ng ibang salita
Ngunit ‘wag din sana nating kalimutan ang sariling wika
Patuloy nawa natin itong ipunla sa ating puso’t diwa
Lalo na sa mga bagong sibol ‘pagkat sila ang bagong pag-asa.
Dapat pahalagahan ang sariling atin
Kulturang Pilipino’y ipagyabang at payabungin
Wika’y bigyang oras upang ito’y aralin
‘Pagkat ito ay yaman mula sa mga ninuno natin.
Iilan nalang ba kaming may malasakit sa’yo
‘Di nahihiyang ipakilala ka sa buong mundo
Nawa’y iisa ang aming adhikain at prinsipyo
At taas noong ipagmamalaki ang pagiging Pilipino.
Gayunpaman ‘di ako magsasawang ika’y ibigin
Ibabandera saang lupalop man ako dalhin
Sapagkat ang tulad mo’y dapat na mahalin
Bilang Pilipino, karapatdapat kang ipaglaban at tangkilikin.
Hangga’t ‘di nauubos ang tinta sa ‘king isipan
At ang kuwaderno na aking susulatan
Patuloy akong maglikha ng panitikan
Gamit ang wikang Pilipino na halos pinandidirihan ng karamihan.
-May 21, 2024 | 8:05AM
https://www.wattpad.com/1447688045?utm_source=ios&utm_medium=postToProfile&utm_content=share_writing&wp_page=create_writer&wp_uname=19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
“Ikaw Ang Pipiliin”
-Black Diamond
Hindi ko lubos akalain
Dininig ng Diyos ang aking mga panalangin
Ang ika'y makasama at makapiling
Sa kabila ng mga pinagdaanan natin.
Sinong makakalimot sa una nating tagpo?
Ako'y 'di mapakali sa kakahintay sayo
Kaba sa aking puso'y 'di ko maitago
Takbo ng isipan ko'y balisa at tuliro.
Ngunit ni minsa'y 'di ako pinanghinaan
Dasal at tiwala'y aking pinanghahawakan
Na sana'y 'di mo ako pinaglaruan
'Pagkat naniniwala ako sa 'ting sumpaan.
'Di nagtagal ay nagtagpo rin ang ating landas
Nayakap at nahagkan din kita sa wakas
Kaya walang humpay ang pasasalamat ko sa itaas
'Pagkat dumating ka ng maayos at ligtas.
Biglang napawi ang lungkot sa 'king mukha
'Di maikubli ang ngiti sa aking mga mata
Kahit saglit lang tayong nagkasama
'Tila matagal na tayong pinagtagpo ng tadhana.
Nais ko lamang na malaman mo
Mula ng binihag mo ang aking puso
Pananaw ko sa buhay ay biglang nagbago
‘Di man ako perpekto, sisikapin kong suklian lahat ng kabutihan mo.
Salamat sa walang humpay mong pagmamahal
Sa pagtanggap ng buo at walang angal
Sana’y 'di ka mapagod ituring akong espesyal
At pagtibayin nawa ang pagsasama natin ng Poong Maykapal.
Kung sakali mang muli akong papipiliin
Paniguradong ikaw pa rin ang aking mamahalin
Aalagaan, iingatan at paliligayahin
Hanggang sa dulo ng wagas na pagmamahalan natin.
April 7, 2024 | 07:37AM
Happy 1st wedding monthsary, Habibi! ❤️
https://www.wattpad.com/1436987206?utm_source=ios&utm_medium=postToProfile&utm_content=share_writing&wp_page=create_writer&wp_uname=19BlackDiamond86
19BlackDiamond86
“Ikaw Ang Mamahalin”
-Black Diamond
‘Tila ba’y kahapon lang ng ika’y aking makilala
Hanggang ngayon ‘di parin ako makapaniwala
Sa kabila ng layo ng distansya natin sa isa’t-isa
Pinagtagpo tayo ng tadhana ng ‘di sinasadya.
Galak sa aking puso’y nag-uumapaw
Sa gitna ng buwan nais kitang isayaw
Hiling ko sana’y dinggin ng mga bulalakaw
‘Pagkat ‘di ko na mahintay ang pagsikat ng araw.
Magkaiba man tayo ng mundong ginagalawan
‘Di ito hadlang upang tayo’y panghinaan
Walang balakid na ‘di nalalampasan
Sa kagaya nating wagas ang pagmamahalan.
Sana hanggang sa ating pagtanda
Tayong dalawa parin ang magkakasama
Sabay nating gunitain ang mga ala-ala
Na s’yang nagbibigay-buhay at pag-asa.
Tanging ikaw lamang ang mamahalin
Sa araw-araw, ikaw ang pipiliin
Anumang pagsubok ay kakayanin
H’wag ka lamang mawala sa aking paningin.
Lubos ang aking pasasalamat sa Maykapal
‘Pagkat ikaw ang sagot sa aking mga dasal
Ang taong hinintay ko ng kaytagal
Ang karapatdapat sa aking pagmamahal.
Salamat dahil nakilala ko ang isang katulad mo
Minahal at tinanggap ang buo kong pagkatao
Nawa’y ‘di ka magsasawang ibigin ako
Makakaasa kang iingatan ko ang ‘yong puso.
-March 7, 2024 | 2PM
Special thanks to Kristín Sigurðardóttir, Gunnar V. Jónsson, Inga Dóra A. Gunnarsdóttir, Marinó Máni Mabazza, and Anton Smári Gunnarsson for being with us on this unforgetable day of ours. Appreciated a lot. ❤️
https://www.wattpad.com/1436987046?utm_source=ios&utm_medium=postToProfile&utm_content=share_writing&wp_page=create_writer&wp_uname=19BlackDiamond86