Looking for a BL-Fantasy story to read? Add to library na po!
Title: A Tale of Time (BL-Fantasy)
Author: AljSandelaria
Link: https://www.wattpad.com/story/369879762-a-tale-of-time-bl-fantasy
Priam was the last king of Troy in Greek Mythology. And nope... Priam Ignacio is not a king. Pero kung umasta siya madalas ay para siyang hari. Ubod kasi siya ng tamad at gusto na laging pinagsisilbihan. Bukod doon ay hindi rin niya pinapahalagahan ang oras.
But not until he was caught in an accident.
Parang mga napapanuod niya sa pelikula, nakita kasi niya ang sarili na walang malay habang nakahiga sa hospital bed. Doon din nagpakita sa kanya ang tila kaluluwa rin na nagpakilalang si Mahakali, siya raw ang oras at kailangan siya nitong turuan ng leksiyon na pahalagahan ang bawat segundo.
From present time and date, Priam was sent back to 1974.
Doon din niya nakilala si Troy Hidalgo, isang pariwara at basagulerong lalaki. Gaya niya ay hindi rin binibigyan ni Troy ng halaga ang bawat oras, at ang misyon niya ay mabago ang pananaw ng lalaki. Kailangan niyang matapos ang misyong iyon bago sumapit sa alas dose ang orasan na bigay sa kanya ni Mahakali.
Pero tila ba may mas malalim pang dahilan si Mahakali kung bakit sa dinamirami ng tao ay si Troy pa ang napili nito. Hindi kasi niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa mayabang na lalaki.
Ano nga ba ang koneksiyon nito sa buhay niya?